Bonifacio day, mahalaga sa CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 982 total reads

Mahalaga para Commission on Human Rights ang paggunita sa ika-154 na kaarawan ni Andres Bonifacio na siyang tinaguriang ama ng Philippine Revolution at isa sa mga bayani na nagsulong ng kasarinlan ng Pilipinas.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacquline Ann De Guia, nararapat na pahalagahan ang naging buhay at mga nagawa ng mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay upang makamit ang demokrasya at kalayaan ng bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan.

Nilinaw ni De Guia na mandato ng CHR na isulong at ipagtanggol ang karapatang pantao ng mamamayang Filipino sa mandato ng 1987 constitution na matagal nang ginagampanan at ipinaglalaban ng mga bayani ng bayan.

“Para sa Kumisyon sa mga Karapatang Pantao mahalaga itong araw na ito na ipinagdiriwang dahil inaalala natin ang ating mga bayani. Tandaan natin na ang kumisyon sa mga karapatang pantao at yung mga probisyon patungkol sa Human Rights ay makikita lamang natin sa 1987 Constitution na simbolo ng demokrasya at ng kalayaan na siyang isinulong ni Andres Bonifacio na dapat maalala at pahalagahan natin yung mga ginawa ng ating mga bayani para maranasan natin ng tuloy tuloy ang demokrasya, kalayaan at karapatang pantao…” pahayag ni De Guia.

Matatandaang binuo ang CHR, matapos ang Martial Law noong 1987 sa ilalim ng Article 13, Section 17 at 18 ng Saligang Batas upang tiyaking hindi umaabuso at lumalabag ang pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno sa demokrasya at karapatang pantao ng bawat Filipino.

Samantala sa bahagi ng pananampalatayang Katoliko, hindi nalalayo ang mga katangian ng isang martir o santo sa isang bayaning nagsulong ng tunay na katarungan para sa kanyang bayan na kapwa ay naghahangad ng pagbabagong para sa pangkalahatan kung saan handa nilang ialay ang kanilang buhay para sa kabutihan ng mas nakararami.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,196 total reads

 4,196 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,324 total reads

 4,324 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 8,795 total reads

 8,795 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 65,199 total reads

 65,199 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 188,703 total reads

 188,703 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 273,766 total reads

 273,766 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top