Mahal na araw, gawing waste-free

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total reads

Pinaalalahanan ng Ecological Justice Interfaith Movement ang mga mananampalataya na gawing banal ang pagpapakita ng debosyon ngayong mahal na araw sa pamamagitan ng paggalang sa kalikasan.

Nanawagan si Bro. Angel Cortez, OFM – NCR Coordinator ng EcoJIM sa mga layko na tugunan ang hamon ng Kanyang Kabanalan Francisco na Ecological Conversion sa pamamagitan ng pagsinop sa mga basura o mga pinagkainang nagkalat sa paligid sa tuwing isinasagawa ang Visita Iglesia.

Hinamon din ni Cortez ang bawat isa na magkaroon ng Ecological Easter Celebration, upang mas mapatingkad ang pananampalatayang katoliko at hindi mabawasan ang kasagraduhan ng debosyon at ng mga bahay dalanginan sa tuwing nagiiwan ng maraming basura ang mga deboto sa paligid ng mga simbahan.

“Ako po ay nananawagan sa inyo na kasabay ng ating pagninilay at sa ating paggawa ng ating mga debosyon ngayong mga mahal na araw, alalahanin natin ang ating Inang Kalikasan lalo na ngayon maraming magbibisita Iglesia, sana po huwag tayong magkakalat, sana po huwag natin itapon yung mga pinagkainan natin kung saan saan, kasi nakikita ko taun-taon, napakaraming basura pagkatapos ng Visita Iglesia.” Pahayag ni Cortez sa Radyo Veritas.

Samantala hinimok din ni Cortez ang sambayanang Filipino na gamitin ang paggunita sa mahal na araw bilang panahon ng pananalangin at pagninilay para maihalal ang kandidatong poprotekta sa kalikasan at sa kapakanan ng bawat may buhay sa daigdig.

Ayon kay Cortez, magandang pagkakataon ang pagninilay kasabay ang paggunita sa pagpapakasakit ng Panginoong Hesus, upang masuri ang budhi ng mga kandidatong tunay na uunahin ang kapakanan ng tao, at kalikasan.

“Sa paghihirap ni Kristo alalahanin natin na si Inang Kalikasan ay naghihirap din para sa atin, kaya para sa lahat, tapusin na natin ang kasabihang, “Ang botanteng gipit, sa trapo kumakapit”, ngayon gamitin natin ang ating pananampalataya, gamitin natin ang ating pagkiling kay inang kalikasan para makapili tayo ng tamang kandidato.” Pahayag ni Cortez sa Radyo Veritas.(Yana Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 1,237 total reads

 1,237 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 51,909 total reads

 51,909 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 74,000 total reads

 74,000 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 173,819 total reads

 173,819 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 207,091 total reads

 207,091 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 24,271 total reads

 24,271 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 17,216 total reads

 17,216 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top