War on drugs ng administrasyong Duterte, panakot lang sa kalaban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 602 total reads

Hinamon ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pamahalaang Duterte na patunayang tunay silang laban sa illegal na droga.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, dapat may napanagot nang drug lord at natigil na rin ang illegal drug trade sa bansa.

“Kung talagang mamapatunayan nila na against sila sa drugs may mga patunay sila na may mga drug lord na nahuhuli at natitigil ang suplay ng drugs,” ayon kay Bishop Pabillo.

Inihayag ng Obispo na marami nang pinatay na small time pero walang na-convict na mga drug lords.

“Seryoso ba sila talaga sa pagtanggal ng droga o ginamit lang nila ang droga pampanakot sa kalaban nila?” pahayag ng Obispo sa Radio Veritas

Giit ng Obispo, marami na ang napatay na hinihinalang users at pushers subalit mas dapat na tutukan ang mga ‘supplier’ o ang mga drug lords.

Kinuwestyon din ng obispo ang pagpapawalang sala sa mga hinihinalang drug lords na sina Peter Lim; Peter Co; Kerwin Espinosa at iba pang drug personalies

“Kaya nga dapat ipaalam sa atin bakit clear? Ano ang dahilan. Kung wala namang dahilan at sila’y nakaclear pero wala pa silang nako-convict na drug lord ang dami nang pinatay,” ayon kay Bishop Pabillo.

Una na ring umalma ang Philippine National Police (PNP) sa inilabas na desisyon ng prosecutor general ng Department of Justice (DoJ) noong December 2017, bagama’t ito ay inilabas at natanggap lamang noong February 2018.

Ang mga nabanggit ding personalidad ay pawang kabilang sa ‘drug lists’ ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa tala ng mga human rights advocates may 13,000 na ang naitatalang napapatay ng mga hinihinalang may kinalaman sa droga kasama na rito ang 4,000 napatay sa police operations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,408 total reads

 50,408 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,057 total reads

 130,057 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,504 total reads

 163,504 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,802 total reads

 198,802 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,338 total reads

 423,338 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,254 total reads

 16,254 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top