Napoles, gagamiting assassin ng administrasyong Duterte sa kalaban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 568 total reads

Hindi dapat gawing state witness si ‘pork barrel queen’ Janet Lim Napoles ng Department of Justice (DoJ).

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., hindi ito naayon sakali mang tuluyang gawing state witness si Napoles lalu’t siya ang itinuturing na mastermind sa P10B pork barrel scam noong 2013.

Hinala din ni Bishop Bacani na maaring ginagamit lamang si Napoles ng gobyerno para pabagsakin ang mga kalaban ng kasalukuyang administrasyon sa pulitika.

“That is foolish it seems, very foolish. She seems to be one of the principal mastermind. It seems foolish to be making her the state witness. Sa tingin ko lang ‘yun ha, sa paningin ko lang ‘yun! Mukang isa siya sa pinakapuno’t dulo. Ang of course we can suspect that they will only be using her against those from the administration wants to put down,” ayon kay Bishop Bacani.

Base sa inilabas na ulat, ‘provisionally admitted’ sa Witness Protection Program ng Department of Justice si Napoles kaakibat ng programa ang pagbibigay sa kanya ng karagdagang bantay at kung kinakailangan ay tugunan ang kaniyang pangangailangang medical base sa nilagdaan certification ni Senior Assistant State Prosecutor Ma. Nerissa Molina-Carpio noong February 27.

Una na ring sumuko si Napoles noon sa administrasyong Aquino dala ang kanyang listahan ng mga mambabatas at ilang indibidwal na may kinalaman sa nasabing ilegal na transaksyon.

Bukod kay Napoles, kabilang din sa kinasuhan ng ‘plunder’ kaugnay sa pork barrel scam ang may 38 mambabatas at opisyal ng pamahalaan kabilang na ang noo’y sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

Sa tatlong senador tanging si Revilla na lamang ang nanatiling nasa piitan makaraang payagang makapagpiyansa si Estrada habang pinalaya naman ang noo’y 91 taong gulang na si Enrile dahil sa ‘humanitarian reason’.

Sinabi naman ni Pope Francis na ang katiwalian ay isang kasalanan lalu’t nagdudulot ito ng pakiramdam ng pagigiging makapangyarihan kung saan pangunahing nagdurusa ay ang mga mahihirap na mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 12,762 total reads

 12,762 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 94,499 total reads

 94,499 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 127,948 total reads

 127,948 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 163,247 total reads

 163,247 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 389,365 total reads

 389,365 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,670 total reads

 13,670 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top