Gamitin ang karunungan sa pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 333 total views

Gamitin ang karunungang bigay ng Diyos sa pangangalaga sa kalikasan. Ito ang hamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa mga mananampalataya, sa kanyang pagninilay sa pagdiriwang ng Earth Hour kahapon.

Ayon sa Obispo, maging ang pinaka-maliliit na nilalang sa daigdig na mga uod at paru-paro, ay tanda ng malawak na pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang pinakamainam na pamamaraan upang masuklian ang pagmamahal ng Diyos ay sa pamamagitan ng pagpapamalas ng ating talino, galing sa pangangalaga sa kalikasan at lahat ng nilikha ng Diyos sa ating daigdig.

“God created everything from his love and his wisdom kaya tignan natin ang pagmamahal ng diyos sa mga paru-paro sa mga uod lahat ng yan ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa atin… kilalanin natin na tayo ay binigyan ng diyos ng kaalaman potentials sa ating intelligence, sa ating will gamitin natin ito upang pangalagaan [ang mundo] at hindi sirain.” Pahayag ni Bishop Pabillo sa programang Ang Banal na Oras ng Radyo Veritas.

Bukod dito, umaasa rin ang Obispo na sa tulong ng makabagong teknolohiya na natutuklas dahil sa karunungan ng tao ay mas mapangangalagaan at mapangangasiwaang mabuti ang mga likas na yaman ng mundo.

Inihalimbawa dito ni Bishop Pabillo, ang pagpapaunlad sa paggamit ng mga renewable energy na nagmumula sa sustainable resources ng daigdig tulad ng hangin, lupa, at karagatan.

Samantala, nitong Sabado, ika-24 ng Marso, nakiisa ang iba’t-ibang simbahan, organisasyon at institusyon sa pagdiriwang ng Earth Hour o isang oras na hindi paggamit ng elektrisidad upang mapagpahinga ang mundo.

Sa pagtataya ng World Wide Fund for Nature umaabot sa 180 mga bansa sa buong daigdig ang nakikiisa sa pagdiriwang na ito, taun-taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 45,936 total views

 45,936 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,805 total views

 41,805 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,007 total views

 78,007 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,744 total views

 86,744 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,176 total views

 112,176 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 324,785 total views

 324,785 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top