GSP, Kapanalig ng Simbahan sa Year of the Youth.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 589 total views

Tiniyak ng Girl Scout of the Philippines ang pakikibahagi ng organisasyon sa pagdideklara ng Simbahang Katolika sa Year of the Youth bilang patuloy na paghahanda ng bansa sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Amelita Dayrit Go, kasalukuyang International Commissioner ng Girl Scout of the Philippines bilang kasalukuyang kasapi ng mga samahan ng mga kabataang ginagabayan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth ay nakahanda ang GSP na makibahagi sa paghahanda ng Simbahan sa nasabing pagdiriwang.

Pagbabahagi ni Dr. Go, hindi lamang pagsusulong sa pananampalataya ng mga Girl Scouts ang layunin ng organisasyon kundi ang pangkalahatang pananampalataya at espirituwalidad ng mga kabataang Filipino.

“Kami ngayon ay kasali na sa mga samahan ng mga samahan ng mga kabataan na ang adviser ay ang CBCP Secretary na siya rin naming National Chaplain so kami ay makikipag-ugnayan at kung ano ang maibo-volunteer namin, kami ay magbo-volunteer at kami ay sasabay sa pagsulong ng pananampalataya hindi lamang sa Girl Scouts kundi lalo na sa iba pang kabataan…” pahayag ni Go sa panayam sa Radyo Veritas.

Sa kasalukuyan si Rev. Fr. Kunegundo “Kune” Garganta na Executive Secretary of CBCP Episcopal Commission on Youth ang siya ring nagsisilbing National Chaplain ng Catholic Girl Scouting in the Philippines.

Ang Girl Scouting ay isang worldwide movement na gumagabay sa mga kabataang babae edad 4 hanggang 21 taong gulang sa pamamagitan ng mga non-formal progressive educational program na nakabatay sa spiritual values at ideal of service o paglilingkod sa kapwa partikular na sa mga nangangailangan.

Samantala, pinangungunahan rin ng GSP ang Catholic Girl Guiding sa ilalim ng International Catholic Conference of Guiding (ICCG) na nagbibigay-daan sa mga Filipinong kababaihan at mga batang babae na mapalalim ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagiging isang ganap at tunay na saksi at lingkod ng Simbahan at ng pananampalatayang Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 95,201 total views

 95,201 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 95,201 total views

 95,201 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 95,201 total views

 95,201 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 92,367 total views

 92,367 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 84,380 total views

 84,380 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top