Pagtanggap ng pamahalaan sa Rohingyan refugees, suportado ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Diocese ng Balanga, Bataan sa pagiging bukas ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggap mga ‘Rohingyan refugees’.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, palaging bukas ang simbahan sa mga migrante na naghahanap ng kalinga at pangangalaga lalu na rin sa kanilang kinakaharap na kahirapan at karahasan mula sa sarili nilang bansa.

“Maganda ang sinabi ng ating pangulo na siya ay open at tayo namang mga Filipino …talaga tayo ay kilala bilang hospitable at pagiging tapat at masipag. Kung magkakaroon ng pagkakataon dapat ito ay diplomatic saka bipartisan at tripartisan sa mga countries involved,” ayon pa sa Obispo.

Tiniyak din ng obispo ang magiging bahagi ng simbahan sa pagtulong sa mga migrante at maging kaakibat ng gobyerno para sa mga migrante partikular na ang Rohingyan refugees.

Ang munisipalidad ng Morong ay bahagi ng lalawigan ng Bataan kung saan matatagpuan ang dating Philippine Refugee Processing Center na itinayo noong 1980 na tumanggap ng may kabuuang 400,000 Indochinese, Vietnamese, Cambodian at Laos refugees dahil sa umiiral noong digmaan.

Taong 1981 din ng dumalaw ang noo’y si Pope John Paul II sa Bataan at bilang pasasalamat ay isang Papal Shrine ang itinayo sa lugar kung saan idinaos noon ang misa na pinasinayahan noong 2011 kasabay ng kaniyang biyatipikasyon sa Roma.

Si St. John Paul II ay ganap na naging Santo noong 2013.

“Ang simbahan ay palaging tutulong, ang simbahan ay magbubukas din, ang simbahan ay makakakaasa we will cooperate we will collaborate with the government,” ayon kay Bishop Santos. Taong 2015 nang magsimulang magsilikas ang Rohingyan people o isang muslim minority group makaraang hindi kilalanin ng Myanmar (Burma) na bahagi ng kanilang mamamayan o stateless entities.” pahayag ni Bishop Santos

Tinatayang mahigit na sa 600,000 Rohingyan ang lumikas mula sa Myanmar dahil na rin sa patuloy na karahasan at pang-aabuso.

Una na ring huminingi ng kapatawaran si Pope Francis sa mga Rohingya sa ngalan ng international community sa isang pulong na naganap sa Bangladesh dahil sa dinaranas na pag-uusig.

Tiniyak din ng Santo Papa Francisco ang paggawa ng hakbang upang tulungan ang mga nagsilikas at magkaroon ng tahanan na kukupkop kung saan kanilang mararanasan ang kapayapaan at pagkalinga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,137 total reads

 33,137 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,773 total reads

 69,773 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,984 total reads

 87,984 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,312 total reads

 172,312 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,187 total reads

 208,187 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top