Pagtatanggol sa mga aba, isang Christian duty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 542 total reads

Binigyang diin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mission na ang pagtatanggol sa mga naaapi ay isang tungkuling dapat na gampanan ng bawat Kristiyano maging dayuhan o Filipino.

Ito ang paalala ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes chairman ng CBCP-ECM kaugnay sa misyon at adbokasiya ng 71-taong gulang na Australian missionary nun na si Sr. Patricia Fox na pinapadeport ng Bureau of Immigration.

Iginiit ni Bishop Bastes na ang adbokasiya sa loob ng halos 3–dekada ni Sister Fox na pagtatanggol, pagbibigay ng moral at espiritwal na paggabay sa mga mahihirap na magsasaka at mga katutubo ay isang tungkuling dapat na gampanan ng bawat Kristyano’t Katoliko mapa-dayuhan man o Filipino.

“It is the right of every person, of every Filipino, whether Filipino or non-Filipino to defend the people who are oppressed because there is so many that are oppressed here so whether I am a Filipino or not we have Christian duty a quality of a human being that is distinct…” pahayag ni Bishop Bastes sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, matapos tuluyang kanselahin ng Bureau of Immigration ang missionary visa ni Sr. Fox ay binibigyan na lamang ng 30-araw ang madre upang makaalis ng bansa.

Bunsod nito, umaasa ng positibong tugon si Bishop Bastes sa kanyang naging apela sa kasalukuyang Abbot ng San Beda University na maging tagapamagitan upang bigyang linaw kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi isang banta si Sr. Fox sa demokrasya ng bansa sa halip ay isang misyunero lamang na nagnanais na makatulong sa mga mahihirap.

Naunang pinuna ng iba’t-ibang sector ang hindi parehas at kawalan ng due process sa kasong kinakaharap ni Sister Fox.

Read: Hindi nararapat maghari ang diktadura sa Pilipinas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 58,948 total reads

 58,948 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 145,444 total reads

 145,444 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 188,481 total reads

 188,481 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 238,240 total reads

 238,240 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 396,613 total reads

 396,613 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top