Mamamayan, inaanyayahang dumalo sa Kongreso ng taong-bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 297 total views

Inaanyayahan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas ang publiko na dumalo sa isasagawang ‘Kongreso ng Taong Bayan’ na gaganapin sa Asian Social Institute na itinakda sa May 15.

Ayon kay Marita Wasan, Pangulo ng Sangguniang Layko ito ay maghapong talakayan ng kasalukuyan sitwasyon na kinakaharap ng Pilipinas.

“Gusto kong ipaliwanag ang Kongreso ng Taong Bayan ay para sa ‘social justice’. Sana maging matagumpay sapagkat ang tatalakayin sa kongreso ay hindi ‘dilawan ka o pulahan ka’ ang tatalakayin ay kung paano gagawin sa ikabubuti ng nakakarami. So yun ang focus,” ang pahayag ni Wasan.

Ang talakayan ay bukas para sa lahat, libre at mayroon ding inilaang pagkain sa mga dadalo sa pagtitipon.

Ilan sa mga tampok na usapin ay ang Charter Change, kahirapan, epekto ng TRAIN law, Extra Judicial Killings at ang ginawang panggigipit ng gobyerno kay Sr. Patricia Fox.

“Ito ay isyu ng genuine care for the poor, yung mga walang kakayanan na ipagtanggol ang sarili. Ay sinong gagawa nun kundi tayo,” ayon kay WAsan.

Ayon kay Wasan, mahalagang matalakay at magkaroon ng kaalaman ang publiko sa mga usaping apektado ang lahat lalu na ang mga dukha.

Kabilang sa mga inaasahang dadalo sa ‘Kongreso ng Taong Bayan’ ang mga magsasaka, mangingisda, urban poor, estudyante at mula sa academe.

Sa buwan ng Mayo, pangunahing panalangin ng Santo Papa Francisco ang mga layko para sa kanilang pagtupad sa misyon bilang mga kristiyano

Ayon kay Pope Francis, nawa ay maging handa ang mga layko sa pagharap sa mga pagsubok ng kasalukuyang panahon.

Ayon kay Pope Francis kinakailangan ang sama-samang panalangin upang magampanan ng bawat layko ang kanilang misyon na tinanggap mula sa binyag ang pagharap sa mga hamon ng kasalukuyang panahon.

Sa mga naunang pahayag ni Pope Francis, binigyan diin nito na ang tawag ng kabanalan ay hindi lamang sa mga pari at relihiyoso kundi maging sa mga layko na isabuhay ang ebanghelyo sa kanilang pamumuhay.

Sa Pilipinas, mula sa kabuuang 86 na milyong populasyon ng mga katoliko – 99 na porsiyento ay pawang mga layko o binyagang kristiyano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 37,987 total views

 37,987 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 211,921 total views

 211,921 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 189,554 total views

 189,554 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 252,301 total views

 252,301 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 269,207 total views

 269,207 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top