Take the initiative, call your Mothers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total reads

Kayong mga bata ang maunang tumawag sa inyong mga magulang at sila’y batiin.

Ito ang paghikayat ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa mga kabataan na malayo sa kanilang mga magulang o nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Bishop Santos, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI), ito ay isang pagkakataon na tayo namang mga anak at mangamusta sa kanilang kalagayan kasabay na rin ng pagdiriwang ng Mother’s Day.

Paliwanag ni Bishop Santos na bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang pagpapakasakit na malayo sa pamilya para tiyakin ang mabuting buhay sa mga anak ay suklian ito ng pangako na hindi masasayang ang kanilang paghihirap.

“Sa pagtawag ibigay ang inyong pangako, Nanay, hindi kayo mapapahiya sa amin! Nanay ipagmamalaki mo rin kami,” ayon kay Bishop Santos.

Giit ng Obispo na anuman tayo ngayon ay malaking bahagi nito ay ang pagsisikap ng ating mga magulang.

Kaya’t marapat lamang na higit silang mahalin at kalingain sa panahon hindi na nila kaya pa ang maghanap buhay.

“Tayo ay magmahal sa kanila higit sa lahat sa pagkakataon na sila ay magkaroon ng edad, sila ay mabagal na sa paglakad, mahina na ang katawan, malabo na ang paningin, mahina ang pandinig higit silang mahalin, kalingain at pagpapahalaga. Palagi nating ipagmalaki na sila ang ating Nanay,” ayon pa kay Bishop Santos.

Base sa tala may 11 milyon ang kabuuang OFW sa iba’t ibang bahagi ng mundo na ang karaniwang dahilan ay ang pagtataguyod sa pamilya dahil sa kawalan ng oportunidad sa ating bansa.

At higit sa kalahating porsiyento ng mga OFW ay pawang mga kababaihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 17,340 total reads

 17,340 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 98,696 total reads

 98,696 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 132,146 total reads

 132,146 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 167,444 total reads

 167,444 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 393,428 total reads

 393,428 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,980 total reads

 13,980 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top