Obispo ng Boac, nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Bishop Oliveros

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 425 total reads

Nagpahayag ng pakikiramay at labis na kalungkutan ang Diocese of Boac sa Marinduque matapos pumanaw si Malolos Bishop Jose Oliveros.

Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. labis ang pagmamahal ng mga pari at mananampalataya kay Bishop Oliveros dahil nagsilbi rin ito bilang ikalawang Obispo sa Diyosesis ng Boac.

“Isang malungkot na pangyayari itong pagpanaw ng isang Obispo at hindi lamang basta Obispo kundi dating Obispo din po ng Diyosesis ng Boac, ikalawang Obispo after ng aming si Bishop Lim. Ang kalungkutan naming nadarama syempre dahil malapit sya sa maraming tao dito sa amin at inaantabayanan namin lahat ng sitwasyon nya at laging kinukumusta at binibisita pa nga ng aming mga kapatid na Pari si Bishop Joey nung nasa Bulacan sya lalo na nung may sakit sya.”  Pahayag ni Bishop Maralit sa Radyo Veritas.

Sa kabila ng kalungkutan, sinabi ni Bishop Maralit na lubos ang kanilang pag-asa at pagtitiwala sa kalooban ng Panginoon na makakamit ni Bishop Oliveros ang walang hanggang pagpapala sa kaharian ng Diyos.

“Pero kasama ng kalungkutan namin syempre yung pagtitiwala sa kalooban ng Diyos na kasama na sa aming mga panalangin, lalo nung huling panahon na siya ay nagpo-promote ng Divine Mercy, ang aming panalangin talaga ay by God’s love and divine mercy ay talagang He will give his eternal reward.”  Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Si Bishop Oliveros ang humalili sa unang Obispo ng Boac na si Bishop Rafael Lim.

Siya ay inordinahan at itinalagang Obispo ni Pope John Paul II noong taong 2000 at matapos ito, siya ay nalipat sa Diyosesis ng Malolos noong 2004.

Samantala, gaganapin ang Requiem Mass para kay Bishop Oliveros sa ika-17 ng Mayo araw ng Huwebes, alas nuebe ng umaga sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion, Malolos Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,224 total reads

 56,224 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,720 total reads

 142,720 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,757 total reads

 185,757 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,517 total reads

 235,516 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,045 total reads

 394,045 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,234 total reads

 23,234 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,880 total reads

 52,880 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,724 total reads

 45,724 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top