Biyaya ng Panginoon, taglay ni Bishop Santos bilang Obispo ng Iba, Zambales

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 590 total reads

Dumalo ang lahat ng mga nakalipas na Obispo ng Diocese ng Iba sa pormal na pagluluklok kay Bishop-elect Bartolome Gaspar Santos bilang bagong Obispo ng Iba, Zambales na ginanap noong May 25 sa St. Augustine Cathedral Parish.

Ang kasalukuyang Arsobispo ng Archdiocese of San Fernando Pampanga na si Archbishop Florentino Lavarias na nagsilbing punong tagapagdiwang, Archbishop-emeritus Paciano Aniceto at Bishop-emeritus Deogracias Iniguez.

Sa altar din ng St. Augustine Cathedral Parish matatagpuan ang labi ni Bishop Henry Charles Byrne na tubong Ireland– ang kauna-unahang obispo ng Iba na namuno sa diyosesis simula 1956-1983.

Higit naman ang pasasalamat ng bagong Obispo sa ipinakitang suporta ng kanyang mga kapatid na pari at mga mananampalataya ng Iba sa pagtanggap ng kanyang bagong misyon.

Ayon kay Bishop Santos ang pagtanggap ng bagong tungkulin ay kaloob ng Panginoon kaya’t wala siyang pag-aalinlangan na tanggapin ito para paglingkuran ang Diyosesis ng Iba – na apat na taon nang walang Obispo makaraan mailipat sa Arkidiyosesis ng San Fernando, Pampanga si Bishop Florentino Lavarias.

Hinihikayat din ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na maging katuwang sa kaniyang misyon at umaasa sa pakikipagtulungan para sa higit na pagpapahayag at pagsasabuhay ng pag-ibig ng Diyos.

Pangunahing paalala ni Bishop Santos sa mga pari at mananampalaya ng Iba Zambales ang tatlong bagay, Una sumunod sa Obispo, ikalawa ang mahalin ang mga Pari at ikatlo ang pagpapanatiling malinis ng mga simbahan.

Pebrero ng kasalukuyang taon nang italaga ni Pope Francis ang 50-taong gulang na si Bishop Santos na mula sa Diocese ng Malolos.

Mula sa kabuuang 700 libong populasyon ng Iba, Zambales, 80 porsiyento ng mga mamamayan dito ay pawang mga Katoliko.

Ang diyosesis ay binubuo ng 46 na pari na siyang nangangasiwa sa 22 mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 130,171 total reads

 130,171 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 173,339 total reads

 173,339 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 223,097 total reads

 223,097 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 382,291 total reads

 382,291 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 403,463 total reads

 403,463 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top