Sunod-sunod na pagpaslang sa mga pari, lalung magpapalago sa pagbobokasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 523 total reads

Sa kabila ng mga pagpaslang sa mga pari, naniniwala pa rin ang Simbahang Katoliko na patuloy na lalago ang pananampalataya at ng mga nais na pumasok sa bokasyon ng pagpapari at pagmamadre.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo-Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity, hindi mawawala ang bokasyon hangga’t nakikita ng kabataan ang mabuting gawain na dulot ng pagsusumikap ng mga pari.

Sa halip, sinabi ng Obispo na ang pagkamatay nina Fr. Richmond Nilo; Fr. Mark Anthony Ventura at Fr. Marcelito Paez ay magsisilbing hamon sa mga kabataan para pumasok sa bokasyon at pagtatalaga ng kanilang sarili sa Panginoon.

“Hindi naman mawawala ang bokasyon, magiging hamon pa nga sa kabataan ‘yan. Isang paraan din yan para masala na ‘yung talagang may tunay na bokasyon at wala,” ayon kay Bishop Pabillo.

Kasabay na rin ng nagaganap na karahasan laban sa mga pari, nataon din ang pagdiriwang ng simbahan ng ‘Year of the Clergy and Consecrated Persons’ na layong bigyang tuon ang kanilang gampanin sa lipunan at ang malaking bahagi para sa pagpapayabong pa ng pananampalataya.

Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa higit 10,000 ang bilang ng mga pari kabilang na ang 140 mga Obispo na siyang nangangasiwa sa 86 na diyosesis at arkidiyosesis.

At base rin sa 2017 Catholic directory, umaabot sa may 3,000 libo ang bilang ng mga seminarista sa buong bansa.

Kaugnay nito, inilabas ng Vatican ang Annuarium Statisticum Ecclesiae 2016 kung saan umaabot na sa 1.3 bilyon ang mga Katoliko sa buong mundo.

Base sa statistics ng Vatican, tumaas ng 1.1-porsiyento ang bilang ng mga Katoliko mula taong 2015 hanggang 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 31,987 total reads

 31,987 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 68,712 total reads

 68,712 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 86,923 total reads

 86,923 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 171,251 total reads

 171,251 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 207,183 total reads

 207,183 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top