Pagkamatay ni Fr. Nilo, hamon sa walang pag-aalingang pagsisilbi sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

 333 total views

Ang pagkamatay ni Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan ay dapat na magsilbing hamon para sa walang pag-aalinlangang pagsisilbi ng lahat ng mga Pari at layko bilang mga lingkod ng Simbahan.

Ayon kay Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, miyembro ng CBCP Permanent Council na kumakatawan sa Gitnang Luzon, tulad ni Fr. Nilo ay dapat na buong pusong magsilbi ang mga lingkod ng Simbahan ng mayroong paninindigan tulad ni Hesus na hindi ininda ang anumang banta ng karahasan at kasamaan upang patuloy na maibahagi ang Mabuting Salita ng Diyos para sa mga mananampalataya.

“His (Fr. Richmond Nilo) death is now a great challenge to us, priests and even to the laypeople. We must never waver in our resolve to serve our flock; we must persist in following the steps of Jesus Christ; we must forge on with courage in the battle against evil forces in our midst.” bahagi ng Pastoral Statement ni Bishop Santos.

Sa inilabas na Pastoral Statement ni Bishop Santos ay kanya ring ipinaabot ang pakikiisa at pakikidalamhati ng buong Diocese of Balanga, Bataan sa marahas na pagkakapatay kay Fr. Nilo matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang salarin noong Linggo ika-10 ng Hunyo sa kapilya ng Nuestra Señora de la Nieve sa Zaragoza, Nueva Ecija.

Giit ng Obispo, kaisa ng buong Diocese of Cabanatuan na pinamumunuan ni Bishop Sofronio Bancud ang mariing pagkundina at panawagan ng buong Simbahan na mapanagot ang mga responsible sa pagpaslang kay Fr. Nilo upang mabigyang katarungan ang kanyang brutal na pagkamatay.

“We express our utmost sympathy with Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud, his clergy and the lay faithful of the diocese. We are one with the rest of the Church in the Philippines in condemning the murder of Fr. Nilo, the third priest to die under the gun in the past six month. We ask that those responsible for these dastardly deeds be brought to justice.” bahagi ng Pastoral Statement ni Bishop Santos.

Pagbabahagi ni Bishop Santos, puno ng panaghoy at pagtangis ang panalangin para sa paghahatid sa huling hantungan ni Fr. Richmond Nilo na inialay ang kanyang buhay bilang lingkod ng Simbahan at tapat na taga-sunod ng Panginoon.

Si Fr. Richmond Nilo ay 44 na taong gulang, kura paroko ng San Vicente Ferrer Parish sa bayan ng Zaragosa, Nueva Ecija at nagsilbing Head ng Commission on Stewardship ng Diocese of Cabanatuan.

Bukod dito aktibo rin si Fr. Nilo na tagapag-tanggol ng doktrina at pananampalatayang Katoliko sa pamamagitan ng apologetics.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,225 total views

 9,225 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,869 total views

 23,869 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,171 total views

 38,171 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,936 total views

 54,936 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,378 total views

 101,378 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top