Mandatory Drug test sa 10-taong gulang na Bata, Sinang-ayunan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 486 total reads

Sang-ayon ang isang Obispo sa panukalang Mandatory Drug Testing para sa mga mag-aaral simula ikaapat na baitang o 10- taong gulang pataas na mga bata.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, ang panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay mahalaga upang mapigilan ang mga kabataan na masangkot sa ipinagbabawal na gamot.

“Sa akin walang problema yan kasi nga nakikita natin yan kung gaano kalawak yung problema ng drugs kung paanong talagang inaabot nila lahat pati ang mga bata yung sinasabi nilang may mga candies pa na hinahaluan ng drugs. I think mahalaga ito para ma-prevent natin yung mga bata mismo ay maapektuhan nitong problemang ito ng drugs.” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Naniniwala ang Obispo na may posibilidad na sa edad na 10-taong gulang ay nasasangkot na sa ipinagbabawal na gamot dahil sa ganitong edad nagsisimula ang pagka-mausisa ng bata.

Unang iniulat ni PDEA Director General Aaron Aquino ang pagkahuli sa sampung taong gulang na bata na pinaghihinalaang gumagamit ng illegal na droga dahilan upang imungkahi ng Opisyal sa Dangerous Drugs Board na magpalabas ng kautusan para sa Mandatory Drug Testing sa mga mag-aaral sa Bansa simula sa ikaapat na baitang o Grade 4.

Kaugnay dito, nanawagan si Bishop Mallari sa mga Magulang at mga Guro na makipagtulungan sa mga Programang ipatutupad ng Pamahalaan lalo na kung ito ay para sa kabutihan ng mga kabataan.

“Para po sa mga magulang at mga teachers natin, I think mahalaga na we try to as much as possible we cooperate to the government kasi I suppose gusto din nila yung ikabubuti ng mga anak natin.” dagdag ng Obispo.

Batid din ng Obispo na mahalagang mapigilan sa lalong madaling panahon ang mga kabataan sa pagkakasangkot sa anumang iligal na gawain tulad ng droga upang makaiwas sa masamang epekto na maidudulot sa pagkatao at sa Lipunan.

Samantala, layunin ng PDEA sa panukalang Mandatory Drug Testing ang mapigilan ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa mahigit apatnapung libong Paaralan sa Bansa.

Nasasaad naman sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, saklaw lamang ng random drug testing ang mga mag-aaral sa Sekondarya at Kolehiyo ngunit sa panukalang isinusulong ng PDEA gagawin na ito sa lahat ng mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng paaralan.

Una nang nagpahayag ng pakikiisa ang Simbahang Katolika sa bansa sa kampanya ng Pamahalaan Laban sa iligal na droga ngunit dapat itong gawin ng naaayon sa batas at hindi nalalabag ang karapatan ng bawat taong sangkot sa iligal na gawain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 149,712 total reads

 149,712 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 222,756 total reads

 222,756 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 256,204 total reads

 256,204 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 291,503 total reads

 291,503 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 512,225 total reads

 512,225 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top