Bigyan ng pagkain ang nagugutom, hindi bala – Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Kinondena ng Diocese of Marbel, South Cotabato ang hindi makataong pagbuwag ng pulisya sa kilos-protesta ng mga magsasaka sa Kidapawan, North Cotabato noong unang araw ng Abril.

Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, tulad nang sinabi ng Panginoon, dapat ay bigyan ng makakain ang mga nagugutom at painumin ang nauuhaw.

Giit pa ng Obispo, ang pamahalaan ang siyang dapat na nangunguna sa pagtataguyod ng kabutihan ng nakararami, subalit taliwas ang ipinakita nito sa mga nagdaang taon ng panunungkulan sa taumbayan.

“Feed the Hungry sabi ng Panginoon. Itong mga government officials they are supposed to promote common good? And one of the good is food, so kailangan ng gobyerno bigyan sila ng pagkain hindi bala, besides another role is stewardship, yung mga resources ng gobyerno, para sa taumbayan yan, you give them to the needy. If you are a good shepherd, you feed your sheep.” Pahayag ni Bp. Gutierrez sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag naman ni Bp. Gutierrez, na pangmatagalang solusyon ang kinakailangan para sa El Niño na siyang ugat ng suliranin ng mga magsasaka.

Ayon sa Obispo, habang pinag-aaralan pa ang mga hakbang upang mapagaan ang epekto ng Climate Change sa mga mahihirap dapat munang unahin na pakainin ang mga nagugutom.

Magugunitang noong 1997 at 1998, nakaranas din ang Pilipinas ng matinding tagtuyot na nakaapekto sa 68% bahagi ng bansa.

Nito namang Mayo 2014, muling nabatid ng PAGASA ang paparating na matinding tagtuyot sa bansa subalit hindi ito napaghandaan ng pamahalaan.

Sa pagsisiyasat ng Food and Agriculture Organization noong Disyembre ng nakaraang taon, umabot sa 12-milyong Filipino na umaasa sa agrikultura ang lubhang maapektuhan ng tagtuyot ngayong 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 76,095 total reads

 76,095 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 113,208 total reads

 113,208 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 147,337 total reads

 147,337 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 203,744 total reads

 203,744 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 17,920 total reads

 17,920 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 47,592 total reads

 47,592 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 40,449 total reads

 40,449 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top