TRAIN law, dahilan ng mataas na presyo ng bilihin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 991 total reads

Nanindigan si dating Bayan Muna partylist Representative Atty. Neri Colmenares na ang ipinatupad na reporma sa pagbubuwis ng pamahalaan ang tunay na dahilan sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Bansa.

Ayon sa dating mambabatas, malinaw sa mamamayan ang naging epekto mula nang ipinatupad ng Pamahalaan ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion Law.

Ipinaliwanag ni Colmenares na bagamat tumataas ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ay nakadadagdag ito sa pagtaas ng presyo ng produktong langis sa bansa dahil sa excise tax na ipinapatong sa presyo kada litro.

“Bagamat totoo na tumataas ang presyo ng langis sa mundo pero ito hindi ito ang puwedeng masisi ng Duterte Administration na dahilan, ang TRAIN Law talaga ang dahilan dito.” pahayag ni Colmenares sa Radio Veritas.

Sinabi ni Colmenares na ipinapaskil din sa mga gasoline station sa bansa ang paunawang dahil sa TRAIN Law ang pagtataas sa presyo ng langis na isang malinaw na indikasyon na malaki ang naidudulot ng reporma sa pagbubuwis.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority noong Hunyo umabot sa 5.2 porsiyento ang Inflation Rate sa bansa kung saan nangunguna ang mga produktong pang agrikultura sa may pinakamabilis ang paggalaw ng presyo dulot na rin sa mataas na gastusin sa transportasyon.

Nauna nang tinutulan ng ilang Lider ng Simbahang Katolika sa bansa ang pagsasabatas ng TRAIN law dahil nakikita nito ang malaking epekto sa mga mahihirap partikular na sa mga walang hanapbuhay.

Read: TRAIN law, Dahilan ng pisong pagtaas sa pamasahe

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 34,179 total reads

 34,179 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 65,451 total reads

 65,451 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 143,240 total reads

 143,240 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,468 total reads

 237,468 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,681 total reads

 296,681 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top