Ecology at Disaster Ministry ng Archdiocese of Manila, pinag-isa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 573 total reads

Pinalakas ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Ecology Ministry ng Archdiocese of Manila.

Nilagdaan ni Cardinal Tagle ang kautusang bumuo ng Disaster Risk Reduction and Management Program sa ilalim ng Ecology Ministry ng nasabing Arkidiyosesis upang palakasin ang pagtugon sa mga nagaganap na kalamidad.

Itinalaga ni Cardinal Tagle si Caritas Manila Damayan Program Priest Minister Father Ric Valencia na bagong Minister ng DRRM at Ecology Ministry.

Layon nito na pag-iisahin at palakasin ang pagtulong at pagkilos na ginagawa ng iba’t-ibang institusyon ng Archdiocese of Manila sa Disaster Risk Reduction and Response.

Naniniwala si Fr. Valencia na ang hakbang na ito ng Archdiocese ay bahagi lamang ng seryosong pagkilos ng Simbahan para matugunan ang mga nanagap na kalamidad dahil na rin sa epekto ng nagbabagong klima at ecological imbalance.

“The Church is doing it for a long time already but this time because of our experience of Yolanda gusto nating bigyan ng pansin and elevate it into a ministry… The new normal now is the extreme weather conditions na abnormal before but normal already because of the effect of climate change, because of the ecological imbalance, dahil diyan ang Cardinal (Chito Tagle) naisip nya na icoordinate ang ginagawa ng archdiocese,” pahayag ni Fr. Valencia sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, mapapabilang din sa bagong ministry ang Damayan program ng Caritas Manila at Disaster Communication Program ng Radio Veritas.

Umaasa si Fr. Valencia sa matagumpay na pakikipagtulungan sa dalawang institusyon partikular na sa Radyo Veritas sa pamamagitan ng komunikasyon at pagtukoy ng pangangailangan ng ating mga kababayan.

“Isa kayo sa pinakaimportanteng aspeto ng atin pagtulong sa mga mahihirap kasi kayo ang magpaparating ng pangangailangan ng atin mga kababayan,” giit pa ni Fr. Valencia.

Batay sa ulat ng United Nations, lumalabas na ang Pilipinas ay panglima sa mga bansa na pinaka-nakakaranas ng kalamidad sa buong mundo.

Sinasabing mula 1995 hanggang 2015 ay aabot sa 274 na bagyo at iba pang natural disasters ang naranasan ng Pilipinas, isa na nga dito ang Super Typhoon Yolanda na nanalasa sa Visayas Region kung saan mahigit sa anim na libong tao ang nasawi at mahigit 15 milyong tao ang naapektuhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 70,021 total reads

 70,021 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 107,603 total reads

 107,603 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 141,732 total reads

 141,732 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 198,137 total reads

 198,137 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 114,627 total reads

 114,627 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top