Paglingap sa nasasakupang kawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Ito ang ginawa ni Rev. Fr. Rey Hector Paglinawan, Kura Paroko ng Most Holy Redeemer Parish sa Masambong Quezon City sa kanyang huling araw sa parokya bago lumipat sa bagong Parokyang itinalaga sa kaniya.

Ayon kay Fr. Paglinawan, bagamat nakalulungkot na aalis ito sa Parokya na kaniyang pinaglingkuran ng mahigit sa apat na taon ay tiwala itong nagampanan ang pagiging pastol ng kawan ng Diyos.

“Sa totoo lang nakalulungkot dahil magkakahiwalay na kami pero natutuwa naman ako dahil ang kayamanan ng Simbahan ay ang mga mahihirap, mas madaling ayain itong mga simpleng mamamayan natin kasi nga simple lang ang pamumuhay nila.” bahagi ng pahayag ni Fr. Paglinawan sa Radio Veritas.

Bagamat noong ika – 13 ng Agosto ang huling araw ng pari sa Parokya, pinili nitong mapalawig ng isang araw pa upang pangasiwaan ang pamamahagi ng tulong sa mga binahang residenteng nasasakupan ng parokya.

Sinabi ng Pari na ito ay pakikiisa at pagpapakita ng pagmamahal sa nasasakupang mananampalataya lalo na sa mga panahong kailangan ang pagdadamayan.

Isinagawa ang pamamahagi ng mahigit sa 700 relief packs sa mga apektadong residente pagkatapos ng huling misa nito sa Parokya.

Pinaalalahanan ng Pari ang mamamayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan upang maiwasang masalanta ng mga trahedya tulad ng pagbaha na dulot ng kapabayaan ng tao sa maling pagtatapon ng mga basura.

Mensahe ng pari sa mga mananampalataya ng Most Holy Redeemer Parish na maging responsableng mamamayan upang mapapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran sang-ayon sa panawagan ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa ensiklikal na Laudato Si.

Bukod dito pinasasalamatan ni Fr. Paglinawan lahat ng mga tumulong upang maisakatuparan ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa pangunguna ng Diocese ng Cubao, Caritas Manila, ilang indibidwal at Radio Veritas na naging tulay upang makapanawagan ng karagdagang tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 8,358 total reads

 8,358 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 236,824 total reads

 236,824 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 130,290 total reads

 130,290 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 224,319 total reads

 224,319 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 268,259 total reads

 268,259 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top