Unawain muna ang Federalismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 612 total reads

Ayon kay Dr. Alex Brillantes, Jr. Propesor at dating Dekano ng UP National College in Public Administration and Governance o NCPAG, dapat maintindihan ng mamamayan ang Federalismo sa kahulugan ng pagbabahagi ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan.

“Mahalagang-mahalaga po na intindihin po natin na ang Federalismo sa konteksto ng debolusyon, sa konteksto nang paglilipat ng kapangyarihan sa ating mga LGU.” pahayag ni Brillantes sa Radio Veritas.

Ikinatuwa ni Prof. Brillantes ang pag-uusap ng Gabinete tungkol sa physical Federalism upang maging maayos ang pagbabahagi ng yaman ng bansa lalo na sa mga lugar na higit na nangangailangan.

Binigyang-diin ni Brillantes na dapat masusing pag-aralan at hindi dapat madaliin ang pagpapatupad ng Federalismo sa bansa dahil ito ay seryosong usapin at bago para sa ating Bansa.

Ibinahagi ni Brillantes na 21-taon ang ginugugol ng ibang mga Bansa bago tuluyang maipatupad ang Federalismong uri ng pamamahala.

Magugunitang nagkaroon ng agam-agam ang ilang kasapi ng gabinete ng administrasyong Duterte sa isinusulong na Federalismo partikular sina Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III, NEDA Secretary Ernesto Pernia at maging si Defense Chief Delfin Lorenzana dahil maaaring makakaapekto ito sa ekonomiya ng bansa.

Nilinaw noon ni Pernia na hindi ito tutol sa Federalismo ngunit dapat muna itong pag-aralan sapagkat marami sa mga rehiyon sa bansa ang walang sapat na kakayahan upang pangasiwaan ang Ekonomiya.

Sinabi naman ni dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay na dapat makinig ang pangulo at maging ang mga mambabatas sa sinasabi ng Economic Managers ng Administrasyon.

“Kailangan pakinggan sila po mismo ang may kakayahan, may competence para alamin kung makabubuti nga ba yung transition to a Federal form of government kung maganda ba yung proposal.” pahayag ni Hilbay sa Radio Veritas.

Unang nanawagan ang mga lider ng Simbahang Katolika sa bansa sa mamamayan na aktibong makibahagi sa mga usapin sa lipunan lalo na ang usaping pagpapalit ng Konstitusyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 5,716 total reads

 5,716 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 234,378 total reads

 234,378 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 127,844 total reads

 127,844 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 221,873 total reads

 221,873 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 265,963 total reads

 265,963 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top