Tulungan ang mga stranded sa NAIA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 318 total reads

Nakiisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa mga Overseas Filipino Workers na na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa pagkaantala ng kanilang biyahe dulot ng aksidenteng kinasangkutan ng Xiamen Airlines noong ika – 16 ng Agosto.

Apela ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Komisyon, sa mga kinaukulang ahensya tulad ng Department of Foreign Affairs na tulungan ang mga OFW na ipaliwanag sa Labor Ministries ng mga bansa ang dahilan ng pagkaantala ng kanilang pagbalik sa trabaho.

“We, at CBCP-ECMI, are in sympathy and solidarity with our OFWs. We know their predicament and anxiety with works. We appeal to the airlines to give their priority to board, to DFA thru our embassies in those countries to help to explain to ministries of labour in those countries the reason of their delays.” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang apela ng obispo ay matapos mangamba ang ilang OFW na mawalan ng trabaho dahil sa sobrang pagkaantala ng nakatakdang pagbalik sa mga bansang pinagtatrabahuan.

Panawagan din ni Bishop Santos sa mga airline companies na unahin ang kapakanan ng mga stranded na pasahero sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang tulong tulad ng pagkain at pansamantalang matutuluyan.

“It is Responsibility of all, and must be Act Compassionate acts of airlines to provided proper assistance and valuable helps to their Stranded Passengers. They must think first about Well being of their Passengers rather than profits or additional expenses.” dagdag ng Obispo.

Batay sa ulat tinatayang nasa 13,000 katao ang kasalukuyang nanatili sa paliparan dahil kanselado pa rin ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw na ito.

Ipinapanalangin ni Bishop Santos na maisaayos at tuluyang maibalik sa normal ang operasyon ng paliparan at ligtas na makakabalik ang mga OFW sa mga bansang pinagtatrabahuan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 9,085 total reads

 9,085 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 90,525 total reads

 90,525 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 184,750 total reads

 184,750 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 245,240 total reads

 245,240 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 258,713 total reads

 258,713 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 35,144 total reads

 35,144 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top