Maayos at disenteng workplace, sentro ng Trade Union Regional forum

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 441 total reads

Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga trade unions sa sektor ng paggawa sa pagsusulong ng mga karapatan ng bawat manggagawa.

Ito ang mensahe ni Department of Labor and Employment Undersecretary Joel Maglunsod sa pagbubukas ng 3 araw na Trade Union Regional Forum na ginanap sa Crowne Plaza Manila kahapon.

Ayon kay Maglunsod, katuwang din ito sa pagprotekta sa mga manggagawa mula sa pananamantala ng ilang kumpanya at mga mamumuhunan.

Tatalakayin sa pagtitipon ang mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at pagiging matatag ng bawat manggagawa sa kabila ng mga epekto ng karahasan at kalamidad.

Ayon sa International Labor Standard’s Bureau for Workers’ Activities (ACTRAV) magdudulot ng pagtaas ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay at balisang lipunan kung hindi matutugunan ang suliranin sa sektor ng paggawa.

Ibabahagi rin dito ang ILO Recommendation No. 205 kung saan binibigyang diin ang kahalagahan ng paglikha ng maayos at disenteng trabaho sa mga manggagawa upang mapigilan, makabangon, mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa trabaho, negosyo at kabuhayan.

Pagbabahagi ni Senior Economist at Regional Desk Officer ng ILO Geneva na si Mohammed Mwamadzingo tinatayang 1.5 bilyong katao ang naninirahan sa mga lugar na umiiral ang karahasan at kadalasang biktima ng iba’t ibang uri ng kalamidad.

Mahigit sa 33 milyon naman ang internally displaced habang umabot sa 1.3 trilyong dolyar ang economic loss sa pagitan ng 2005 at 2014 dulot ng karahasan at kalamidad.

Mahigit sa 20 ang dumalo sa pagtitipon na nagmula sa 14 na mga bansa sa Asya at kasapi ng iba’t ibang grupo ng manggagawa sa kani-kanilang mga bansa kabilang na ang Pilipinas.

Sa ensiklikal ni St. John Paul II na Laborem Excercens, ipinapanawagan dito na panatilihin ang dignidad at paggalang sa karapatan ng bawat manggagawa kaakibat ng pagsulong ng mamamayan at ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 7,634 total reads

 7,634 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 89,142 total reads

 89,142 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 183,367 total reads

 183,367 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 243,857 total reads

 243,857 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 257,379 total reads

 257,379 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 34,970 total reads

 34,970 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top