Gobyerno, hinimok na pag-aralang muli ang TRAIN law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 430 total reads

Pinalalawak ng Simbahang Katolika ang pagkakawanggawa sa mga mahihirap sa bansa.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila hinggil sa patuloy na paghihirap ng mga Filipino dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

“Tayo naman [Simbahan] upang matulungan natin itong mga mahihirap, magkakawanggawa tayo para matulungan itong ating mga kababayang maliliit at direktang naapektuhan nitong pagtaas ng mga presyo ng bilihin.” pahayag ni Fr. Pascual.

Hinihikayat naman ng Pari ang pamahalaan na pag-aralan ang ipinatupad na reporma sa pagbubuwis tulad ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sinasabing ang TRAIN law ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng produktong langis na nakaapekto sa presyo naman ng mga bilihin partikular sa mga produktong pang-agrikultura tulad ng bigas, mais at mga gulay.

Hinimok din ng pari ang bawat mamamayan na magtulungan upang maiangat ang bawat isa sa kahirapan at magkaisang manawagan sa pamahalaan na tugunan ang suliraning nakakaapekto sa lahat.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station noong nakalipas na buwan lumabas na 48 porsiyento o katumbas sa mahigit 11 milyong Filipino ang naghihirap dulot na rin ng mataas na presyo ng bilihin na kadalasang kinokonsumo ng ordinaryong mamamayan.

Patuloy namang itinanggi ng mga opisyal ng pamahalaan na TRAIN law ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iginiit na ang pabago-bagong presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ang sanhi nito.

Sa katuruan ng Simbahan inihayag nitong mahalagang bibigyang pansin ng estado ang pangangalaga sa kapakanan ng bawat mamamayang nasasakupan kasabay ng pag-unlad ng pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 7,638 total reads

 7,638 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 89,146 total reads

 89,146 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 183,371 total reads

 183,371 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 243,861 total reads

 243,861 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 257,383 total reads

 257,383 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 34,971 total reads

 34,971 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top