Tularan ang mga Bayani at Santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,257 total reads

May pagkakahawig ang buhay ng mga Bayani at ang mga Santo ng Simbahang Katolika.

Ito ang inihayag ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, kaugnay sa paggunita ng National Heroes Day.

“Unang-una siguro yung pagkakapareho nila ay parehong nag-aalay ng buhay. Yung mga bayani natin, nag-aalay ng kanilang buhay sa paglilingkod at pagmamahal sa ating bayan habang yung mga martir [Simbahang Katolika] naman natin yung nag-aalay ng buhay din nila para sa pananampalataya, para sa Diyos at sa bayan ng Diyos.” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo isang magandang halimbawa para sa mamamayan at mananampalataya ang ipinakikita ng mga bayani at Santo na nagbuwis ng kanilang buhay bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Dahil dito hinimok ni Bishop Mallari ang mga mamamayan partikular na ang mga kabataan sa bansa na tularan ang kabutihang ipinamamalas ng mga bayani at ang pagsusumikap ng mga Santo na maipalaganap at maihayag ng buong tapang ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Samantala, sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte ay binigyang pagkilala ang mga Ordinaryong mga Bayani sa kasalukuyang panahon na nagsusumikap para maitaguyod ang mga mahal sa buhay at ang bansang Pilipinas.

Kabilang sa mga binanggit ng pangulo ang mga Sundalo lalo na ang mga nakikipaglaban sa mga terorista sa Marawi City noong nakalipas na taon, ang mga pulis na tapat naglilingkod sa bayan, mga Overseas Filipino Workers at ang mga guro na nagsusumikap araw-araw na nakatutulong sa pag-unlad ng bayan at ng mamamayan.

Batay naman sa kasaysayan ng Simbahang Katolika, mahigit sa sampung libo na ang mga idineklarang Santo kabilang na dito ang mga Filipinong Santo na si San Pedro Calungsod at San Lorenzo Ruiz na kilalang nagtatanggol sa pananampalatayang Katoliko.

Magugunitang sinabi noon ni Pope Francis na ang lahat ay mga bayani sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 91,198 total reads

 91,198 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 185,228 total reads

 185,228 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 229,496 total reads

 229,496 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 252,605 total reads

 252,605 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 323,610 total reads

 323,610 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top