Gobyerno, Dapat tutukan ang NFA sa pagtiyak ng suplay at mababang halaga ng bigas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 417 total reads

Nanawagan ang isang Opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Pamahalaan na tutukan ang National Food Authority (NFA) para sa kapakinabangan ng mahihihirap na mamamayan dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng bigas.

Ito ang pahayag ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari kasunod ng panawagan ng ilang mambabatas na alisin ang NFA dahil sa bigong gampanan ang mandating pagtiyak sa sapat suplay sa abot kayang halaga sa pamilihan.

Ayon sa Obispo, nakatutulong sa mamamayan ang NFA dahil dito lamang makabibili ng mababang presyo ng bigas.

“Siguro, mahalagang tutukan ng Pamahalaan ang pamunuan ng NFA kasi nakatulong naman ito sa mamamayan. Dapat maalis yung Korapsyon sa Ahensya para maging maayos ang pamamalakad nito,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Hiling din ng Obispo sa Gobyerno na tulungan ang mga magsasaka sa bansa upang maisulong at mapalago ang lokal na produksyon ng bigas.

Kabilang sa mga nanawagan na alisin ang NFA sina Senators Cynthia Villar, Aquilino Pimentel III at Francis Drilon.

Nais naman ng ilang mambabatas na suriin at pag-aralan ang maaring kahihinatnan kung tuluyang alisin ang NFA bilang ahensyang nangangasiwa sa suplay ng bigas sa bansa.

Ang National Food Authority ay itinatag sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1770 noong Enero 1981 na layuning maisulong ang paglago sa Industriya ng palay sa Bansa at agtiyak sa seguridad ng suplay ng abot kayang halaga ng bigas para sa mga Filipino.

Sa kasalukuyan mayroong 15 regional offices ang NFA habang 86 naman ang provincial offices.

Dahil dito hinimok din ni Bishop Mallari na magtulungan ang Pamahalaan at Simbahang Katolika sa ikabubuti ng bawat mamamayan sa bansa na higit na apektado sa mga usaping panlipunan tulad ng kakulangan ng suplay sa pagkain.

“Mahalagang magkaisa ang Pamahalaan at Simbahan para na rin sa kapakanan ng mga tao,” dagdag ng Obispo.

Kinilala rin ng Simbahan ang malaking ambag ng sektor ng pagsasaka sa pag-unlad ng isang Komunidad dahil sa pagsusumikap nitong makapaghatid ng pagkain sa bawat mamamayan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 10,153 total reads

 10,153 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 12,481 total reads

 12,481 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 29,838 total reads

 29,838 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 78,285 total reads

 78,285 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 172,510 total reads

 172,510 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 232,999 total reads

 232,999 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 246,906 total reads

 246,906 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 325,509 total reads

 325,509 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 29,839 total reads

 29,839 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top