Pagpansin sa mga “brainless” na pahayag ng Pangulong Duterte, pag-aaksaya ng panahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 578 total reads

Pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagbibigay pansin sa mga walang saysay na pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang tugon ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – dating Co-Chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines sa pinakahuling kontrobersyal na pahayag ng Pangulo patungkol sa usapin ng tumataas na kaso ng panggagahasa o rape sa kanyang lugar sa Davao city.

Ayon sa Madre, tila hindi pinag-iisipan ni Pangulong Duterte ang kanyang mga pahayag partikular sa mga maseselang usapin tulad ng rape.

Ipinaliwanag ni Sr. Mananzan na alam ng lahat na ang rape ay isang seryosong usapin kung saan dapat na bigyang paggalang at suporta ang mga kababaihang biktima.

“We have always proclaimed that Rape is not a joke and that women should be respected etc. alam naman natin na ganun siya ano, na hindi na siya magbabago kaya sa akin it’s such a waste of time to make an intelligent (reaction), hindi naman siya intelligent yung kanyang mga sinasabi naman is so mindless, brainless…” pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam sa Radyo Veritas.

Ang pahayag ng pangulong Duterte ay ikinadismaya ng iba’t ibang grupo at sektor na nagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan.

Ang naturang pahayag ng Pangulo ay kaugnay sa inilabas na datos ng Philippine National Police kung saan lumabas na sa 2nd Quarter ng kasalukuyang taong 2018 na ang may pinakamataas na kaso ng rape ay ang Davao city na 42; sinundan ito ng Quezong City na may 41-kaso; Maynila na may 32; Cagayan de Oro City na may 24 at Zamboanga City na may 21 kaso.

Nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahan na ang ating mga katawan ay templo ng Espiritu Santo na kinakailangan igalang at pangalagaan na taliwas naman sa sinasapit ng maraming mga kababaihang nabibiktima ng pang-aabuso at panggagahasa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 73,038 total reads

 73,038 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 168,249 total reads

 168,249 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 212,517 total reads

 212,517 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 235,626 total reads

 235,626 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 307,473 total reads

 307,473 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top