Matutong magtipid

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Ito ang panawagan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa naitalang mataas na presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ayon sa Obispo, mahalagang matutuhan ng tao ang pagtitipid lalo na sa mga bagay na hindi kinakailangan tulad ng bisyo at pagkahilig sa mga materyal na bagay.

“Matuto tayong magtipid alam natin na tumataas na ang presyo kaya sana magtipid tayo sa mga bagay na hindi naman kailangan.” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Payo ng Obispo na makatutulong sa tao ang pagkontrol sa mga gastusin at dapat isaalang-alang ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority, 6.4 porsiyento ang inflation rate sa bansa mas mataas kumpara sa 5.7 porsiyento noong Hulyo.

Babilang sa mga nangunguna sa pagtaas ng presyo ang mga produktong pang-agrikultura tulad ng palay.

SURIIN ANG UGAT

Nanawagan naman si Bishop Pabillo sa pamahalaan na suriin ang pinakaugat ng suliranin upang matukoy at makapagpatupad ng mga hakbang na masolusyunan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Patuloy tayong manawagan sa pamahalaan na ayusin itong mga [suliranin] ano ba ang naging dahilan, manawagan tayo sa mga namamahala na ayusin ang pamamahala nila kasi hirap na yung mga tao.” panawagan ng Obispo.

Pinayuhan ng Obispo ang pamahalaan na tingnan kung nakadadagdag ba ang pagpapataw ng buwis sa mga produkto lalo na sa langis kaya’t ito ay tumataas.

Hinimok din ni Bishop Pabillo ang pamahalaan na ipamahagi ang ipinangakong tulong pinansyal sa sampung milyong mahihirap na pamilya sa bansa na labis naapektuhan sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

KAUNLARAN NG BANSA AYON SA TURO NG SIMBAHAN
Binigyang diin ng Obispo na bahagi ng turo ng Simbahang Katolika ang pag-unlad ng isang Komunidad.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang pag-unlad ng Bansa ay hindi lamang nangangahulugan ng pag-unlad sa Ekonomiya kundi mas higit ang pag-unlad sa pagkatao ng mamamayan.

“Kailangan ng development ng Bansa pero ang sinabi ng Simbahan sa pag-unlad ibig sabihin ang pag-unlad ng buong pagkatao natin at pag unlad ng lahat ng tao.” pahayag ng Obispo

Inihayag ng Obispo na kaakibat ng pag-unlad sa ekonomiya ay ang pag-unlad sa moralidad, ispirituwalidad at pangkaisipan na higit makatutulong sa pagkakaroon ng malagong Ekonomiya.

Panawagan ng Simbahang Katolika na dapat paglingkuran ng Ekonomiya ang tao at ang kapakanan ng bawat mamamayan na ayon sa dignidad ng tao.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 4,306 total reads

 4,306 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 9,264 total reads

 9,264 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 125,045 total reads

 125,045 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 245,625 total reads

 245,625 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 295,470 total reads

 295,470 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top