Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Onion smugglers, Panagutin sa batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 453 total views

Panagutin sa batas ang sangkot sa Iligal na pagpasok ng mga Sibuyas.

Ito ang panawagan ni Rosendo So ang Pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pamahalaan kasunod ng pagkahuli ng Bureau of Customs sa milyong pisong halaga ng Smuggled na sibuyas sa Manila International Container Port.

“Dapat sa mga ito Smuggler sampahan ng Kaso, yan ang gusto nating mangyari.” pahayag ni So sa Radio Veritas.

Ayon kay So, hindi makabubuti sa lokal na magsasaka ang iligal na pagpasok ng mga sibuyas sa bansa at ito ay isang malinaw na paglabag sa Republic Act No. 10845, o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Batay sa pahayag ni Customs Commissioner Isidro Lapeña, nadiskubre ng ahensya ang smuggled na sibuyas sa loob ng anim na container vans mula China na nagkakahalaga ng 12-milyong piso.

Iginiit ni So na dapat kumilos agad ang BOC upang mapanagot ang mga nasa likod ng onion smuggling.

Tiniyak naman ni So na sapat ang supply ng sibuyas sa bansa taliwas sa pahayag ng Department of Agriculture.

Sinabi ni So na lumabas sa pagpupulong ng Lokal na magsasaka at ng Bureau of Plant Industry noong Agosto na mahigit sa 2-milyong metriko toneladang sibuyas pa ang suplay ng sibuyas na nakalagak sa mga cold storage.

“Ang stock ng ating Local na Magsisibuyas may 2.2 MMT pa sila good for up to November.” dagdag ni So.

Iginiit ni So na hindi kinonsulta ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang Lokal na magsasaka sa desisyon na mag-angkat ng sibuyas sa ibang bansa.

Naunang tinututulan ng grupong KASAME ang plano ng Department of Agriculture na mag-angkat ng sibuyas.

Read: Importasyon ng sibuyas, tinututulan ng mga magsasaka

Kaisa ng lokal na magsasaka ang Simbahang Katolika sa paninindigan na dapat palawakin ang pagtulong sa lokal na Produksyon ng mga produktong pang-agrikultura upang makatutulong sa mga mahihirap na mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 60,478 total views

 60,478 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 82,544 total views

 82,544 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 98,240 total views

 98,240 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 105,144 total views

 105,144 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 164,888 total views

 164,888 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top