Pangulong Duterte, Hinamong ayusin ang pamamahala sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 512 total reads

Nananawagan si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa mamamayang nakakaangat sa buhay bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Ayon sa Obispo, labis na naapektuhan ang sektor ng mahihirap sa mataas na inflation rate sa Pilipinas lalo’t karamihan dito ay kumikita ng mas mababa sa itinakdang minimum wage sa bansa.

“Kapag ka ganyan na tumataas ang Inflation Rate sa bansa natin yung ating mga kapatid na nakaangat sa buhay, tulungan naman nilang itaas ang naibibigay nila sa mga Ordinaryong manggagawa i-adjust ang Salary.” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng Obispo ang pagbibigay umento sa sahod ng kanyang driver kasunod na rin sa naitalang 6.4-porsiyentong pagtaas ng inflation na nagdulot ng mataas na presyo ng mga bilihin sa bansa noong Agosto.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority, ito na ang pinakamataas na naitalang inflation rate sa nakalipas na siyam na taon at nanatiling kabilang ang produktong agrikultura sa may pinakamabilis ang pagtaas ng presyo.

Ipinaliwanag ng Obispo na maging ang mga mamumuhunan ay nagsasabing malaki ang epekto sa Ekonomiya ng bansa ang mga polisiya at pag-uugali ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito nanawagan si Bishop Bacani sa Pangulo na ayusin ang pamamahala sa bansa upang maiangat ang kalagayang panlipunan, pang-ekonomiya, at maibsan ang paghihirap ng mamamayan.

Sa panawagan ng Simbahang Katolika, dapat paglingkuran ng Ekonomiya ang tao at ang pangkalahatang kapakanan na naaayon sa dignidad at sapat na paggalang sa buhay ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 88,372 total reads

 88,372 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 182,402 total reads

 182,402 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 226,670 total reads

 226,670 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 249,779 total reads

 249,779 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 320,937 total reads

 320,937 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top