Caritas Manila, nagpadala ng 1-milyong pisong ayuda sa mga Diyosesis na tatamaan ng bagyong Ompong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

Isang milyong pisong ang inisyal na tulong na inihahahanda ng Caritas Manila, ang Social Arm ng Archdiocese of Manila para sa mga diyosesis na masasalanta ng bagyong Ompong.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas, sinabi ni Father Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas na magpapadala na ang Caritas Manila ng tig-200 libong piso sa mga lugar na inaasahang labis na maapektuhan ng bagyo.

“Cash ang ibibigay natin, nagpre-position ng mga at least P200 thousand na minimum ibigay natin sa mga diyosesis dito sa Batanes, Tuguegarao, Ilagan, Laoag, Tabuk, na tatamaan ng pagdaan ng bagyo. Para makahanda na sila ng relief operation, medicine, food para mabilis ang pagtugon ng simbahan,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Hangad ng simbahan na makapaghatid ng tulong sa loob ng 24 hanggang 48 oras sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa mga padadalhan ng tulong ng Caritas Manila ang Prelature of Batanes; Arkidiyosesis ng Tuguegarao, maging sa diyosesis ng Laoag, Tabuk at Ilagan upang kagya’t na makapaghatid ng tulong sa mga residente dahil sa bagyong Ompong.
Kaugnay nito, nagpaabot na rin ng panalangin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa kaligtasan ng buong bansa sa banta ng hagupit ng bagyong Ompong.

Ayon kay Father Pascual, ito ang ipinadalang mensahe ng kaniyang kabunyian na kasalukuyang nasa Poland.

Sa katuruan ng simbahan bawat isa bilang mga kristiyano ay tinatawagan na tingnan hindi bilang suliranin ang paghihirap ng kapwa kundi isang pagkakataon ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa.

Ayon pa sa Cardinal, bukod sa paghahanda ay hinihikayat din ang bawat isa sa patuloy na manalangin na maipag-adya ang Pilipinas sa mapaminsalang bagyo.

Naunang nanawagan ang mga Obispo ng panalangin para sa mamamayan na maaapektuhan sa hagupit ng bagyong Ompong.

Read:

Simbahan, Umaapela ng panalangin

Archdiocese of Palo, nanawagan ng panalangin para sa mga lugar na tatamaan ng bagyo

Cardinal Tagle, nagpahayag ng pag-aalala sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Ompong

Sa tala ng Philippine National Red Cross (PNRC), tinatayang aabot sa pitong milyon katao ang posibleng maapektuhan ng bagyong Ompong kung saan tatlong milyon sa mga ito ang direktang maapektuhan ng malakas na bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 97,350 total reads

 97,350 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 191,380 total reads

 191,380 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 235,649 total reads

 235,649 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 258,757 total reads

 258,757 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 329,447 total reads

 329,447 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top