Pagkakaisa at pagtutulungan para sa Sambayanan ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,395 total reads

Ito ang layunin sa pagbukas ng National Laity Week ngayong taon alinsunod sa temang “The Laity in Solidarity with Clergy and Consecrated Persons Toward Social Transformation”.

Ayon kay Dr. Marita Wasan, National Chairperson ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, layon ng pagtitipon na palawakin ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga layko sa mga pari, relihiyoso at mga nagtalaga ng buhay sa Panginoon.

“Aim ng Laiko ang makita sa mga Katoliko ang mukha at wangis ni Kristo at ito ay naisasabuhay.” Bahagi ng pahayag ni Wasan sa Radio Veritas.

Sa homiliya ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy, tungkulin ng mga layko na magdasal, tumulong sa Simbahan at sumunod sa mga alituntuning itinakda ng mga pastol ng Simbahan.

Binigyang diin ng obispo na tungkulin ng mga pari ang magbigay ng aral sa mga layko at ang mga layko naman ang tutulong sa mga lider ng Simbahan upang maibahagi ang natutuhang aral sa kapwa lalo na ang mga hindi aktibo sa Simbahan.

Ibinahagi pa ni Bishop Famadico na pinalalawak ng kaniyang diyosesis ang mga programa na magpapalakas at magpapatatag sa ugnayan ng Simbahan at mananampalataya.

“Ang binibigyan namin [Diocese of San Pablo] ng pansin ang tinatawag na Kapitbahayang Katoliko sa pamilyang Kristiyano. Ang ginagawa namin, ang Simbahan bumubuo ng mga leaflets at ito ay dinidistribute sa mga pamayanan at naging gabay nila sa kanilang pananalangin.” pahayag ng obispo.

Sa tala ng pamunuan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas higit sa isanlibo ang mga dumalo sa pagbubukas ng Linggo ng mga Layko na ginanap sa San Pablo Cathedral, San Pablo Laguna.

Kabilang sa mga Diyosesis na nakiisa ang Archdiocese ng Maynila, Dioceses ng Novaliches, Malolos, Olongapo, Baguio, at iba pa habang nakatakda naman ang pagtatapos ng pagdiriwang sa ika – 29 ng Setyembre na gaganapin sa Archdiocese ng Cagayan de Oro.

Patuloy ang paalala ng Simbahang Katolika sa mananampalataya na maging kaisa sa Simbahan sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos lalo’t laganap ang fake news at maling impormasyon sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 32,760 total reads

 32,760 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 259,417 total reads

 259,417 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 152,884 total reads

 152,884 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 246,914 total reads

 246,914 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 289,592 total reads

 289,592 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top