Isulong ang Karapatan ng Kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 971 total reads

Ito ang pangunahing layunin ng nagsama-samang grupo na pinangungunahan ng Philippine Misereor Partnership Incorporated at CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa paglunsad ng Rights of Nature campaign upang maipagtanggol ang kalikasan mula sa mapanirang mga indibidwal.

Ayon kay Yolly Esguerra, National Coordinator ng PMPI, magkakaroon ng malawakang education campaign sa buong bansa upang mauunawaan ng tao na ang kalikasan ay hindi lamang tulad ng isang bagay na pagkakitaan kundi tulad din ng tao na may mga karapatan na dapat ipaglaban.

“Gusto natin bumuo ng isang movement na malawak kung saan ‘yung advocacy ng Rights of Nature ay maitulak. Ang gusto kasi nating mangyare ay maging rights bearing at magkaroon ng karapatan, na parang Human Rights, may Nature Rights din. So you cannot destroy them o galawin sila immediately at pwede silang mag file ng case as represented ng communities or advocates na katulad natin.” pahayag ni Esguerra sa Radio Veritas.

Isinusulong ngayon ng grupo ang paglikha ng batas para maparusahan ang sinumang sumisira sa kalikasan tulad ng pagmimina at quarry para mabigyan ng katarungan ang kapaligiran.

Magugunitang sa nangyaring landslide sa Itogon Benguet na ikinasawi ng higit sa 60 indibidwal at sa Naga City Cebu na ikinasawi ng 72 katao, pagmimina at quarry ang itinuturong dahilan.

Ang launching na isinagawa sa Aroceros Park sa Maynila noong ika – 29 ng Setyembre ay dinaluhan ng halos isandaang indibidwal mula sa mga Parokya, at grupong makakalikasan tulad ng Green Peace Philippines at Association of Major Religious Superiors of the Philippines.

Batay sa ensiklikal na Laudato Si ni Pope Francis, hinimok nito ang bawat mananampalataya na maging kaisa sa pangangalaga ng kalikasan upang mapakikinabangan pa ng susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,571 total reads

 118,571 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 256,103 total reads

 256,103 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,879 total reads

 371,879 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,581 total reads

 487,581 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top