Simbahan, hindi balakid sa pag-unlad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,237 total reads

Mahalaga ang pakikipag-usap at pagtutulungan para sa ikauunlad ng lipunan.

Ito ang binigyang diin ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education hinggil sa binabalak ng pamahalaan na exchange program sa pagitan ng Pilipinas at Israel na layong mapalakas ang sektor ng agrikulutra sa bansa.

Ayon sa Obispo, hangarin ng Simbahang Katolika na magkaisa ang bawat bansa tungo sa paglago ng pamayanan at ng mga nasasakupan.

“Ang simbahan ay palaging bukas sa larangan ng dialogue at pakikipagtulungan para sa kaunlaran sa lahat ng larangan.” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Napag-usapan nina Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III at Israeli Ambassador to the Philippines Ephraim Ben Matityau ang pagpapalawak ng people to people exchange ng dalawang bansa upang pag-aralan ang pagpapalago ng sektor ng agrikultura at financial system na makatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kilala ang Israel na may maunlad na sektor ng agrikultura sa kabila ng malawak na disyerto sa nasabing bansa lalo na ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa patubig o irrigation system.

Giit naman ni Bishop Mallari dapat kapwa maghatid ng pag-unlad ang nasabing programa para higit na matulungan ang kapakanan ng mamamayang nasasakupan ng dalawang bansa.

“Huwag natin sabihin na may matutuhan tayo sa kanila kundi tayo rin ay may malaking maiihahandog sa kanilang paglago.” dagdag ng obispo.

Una nang nananawagan ang iba’t ibang grupo sa Pilipinas na palawakin ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura sa bansa upang mawakasan ang kakapusan at mataas na presyo ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng bigas at gulay.

Isa ang Pilipinas sa tinaguriang agricultural country sa Asya sapagkat higit pitong milyong ektarya ang lupang sakahan dito batay sa tala ng Philippine Statistics Authority – Country STAT Philippines.

Sa pahayag noon ni Batanes Bishop Danilo Ulep, hinimok ang bawat mamamayan na palakasin ang lokal ng produksyon ng pagkain dahil ito ang bukod tanging paraan na manatiling sapat ang suplay sa komunidad.

Read: Huwag umasa sa mga produktong inaangkat

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 31,075 total reads

 31,075 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 257,901 total reads

 257,901 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 151,368 total reads

 151,368 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 245,398 total reads

 245,398 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 288,146 total reads

 288,146 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top