Pamahalaan, Hinamong saklolohan ang mga apektado ng pagtaas sa presyo ng bilihin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,484 total views

Inihayag ng isang pari na nararapat mabigyan ng hanapbuhay ang mamamayan lalo na ang mahihirap.

Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, ito ay upang matulungan ang mga Filipinong labis na naapektuhan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ibinahagi ng Pari ang katotohanan na limitado ang kapasidad ng mga mahihirap sa pagbili ng mga pangkaraniwang pangangailangan dahil sa napakataas na presyo nito bunsod ng maliit na kinikita.

“Unang – una kailangan i-capacitate ang mga mahihirap, mabigyan sila ng trabaho. Definitely yung mga mahihirap ang apektado ng price hike, lalabas nito na limited na ang kanilang capacity to procure yung mga commodities lalo pa itong mapapahina yung kanilang kapasidad na makabili ng mga pangangailangan nila sa araw-araw.” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Sa pag-aaral ni University of the Philippines School of Statistics Dean Dennis Mapa, ang pagpapataw ng 3 pisong buwis sa langis na ginagamit sa transportasyon ng mga tao at kalakal ay nagpapataas ng Inflation ng halos isang porsiyento sa mga mahihirap sa lipunan.

Ipinaliwanag ni Fr. Secillano na tanging magagawa ng Simbahan ay ang pagbibigay ng libreng pagsasanay at paghahatid ng mga programang pangkabuhayan bilang pagtugon sa pangangailangan ng tao dahil ang usaping pang ekonomiya ay nangangailangan ng isang dalubhasa sa nasabing larangan.

Sa pangkabuuang turo ng Simbahang Katolika ay mahalagang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat indibidwal lalo na ang mahihirap kabilang na dito ang pagtataguyod sa dignidad at karapatan ng tao kung saan napapaloob ang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tirahan.

Samantala, nais ng Department of Energy na amyendahan ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law upang suspendihin ang muling pagpataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo upang maibsan ang pagtaas ng presyo ng langis na nakakaapekto sa presyo ng bilihin at serbisyo sa bansa.

Unang nagpahayag ng pagtutol ang Simbahang Katolika sa pagsasabatas ng TRAIN Law sapagkat apektado nito ang buong sambayanan lalo na ang mga mahihirap at walang sapat na pinagkakakitaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 80,968 total views

 80,968 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 124,576 total views

 124,576 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 207,023 total views

 207,023 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 218,000 total views

 218,000 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top