Ingatan na ang isla ng Boracay, Panawagan sa mga Negosyante at Turista

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 440 total reads

Ikinatuwa ng Tourism Congress of the Philippines ang muling pagbubukas ng isla ng Boracay na itinakda sa ika-26 ng Oktubre.

Ayon kay Jose Clemente III, Pangulo ng TCP- kahit paano ay makakabalik na sa trabaho ang ilang mga manggagawa na umaasa sa umaasa sa isla makaraan ang anim na buwan nang ipasara ito noong Arril.

“Tayo’y natutuwa at yung ating mga kababayan na nawalan ng trabaho nitong nakalipas na buwan ay atleast unti-unti na po silang makababalik, mag umpisa ng hanapbuhay nila,” bahagi ng pahayag ni Clemente sa Radio Veritas.

Bagama’t hindi pa tuluyang naibabalik sa normal ang operasyon ng buong isla, nagpapatuloy naman ang pamahalaan sa pagsasagawa ng rehabilitasyon lalo na sa mga kalsada sa lugar.

Pakiusap ng TCP sa mga mamumuhunan sa isla na sundin ang mga polisiya at ordinansang ipinatutupad ng pamahalaan upang maiwasang muling masira ang Boracay at mapanatili ang kanilinisan dito.

“Iminumungkahi po natin doon sa mga may-ari ng establisimiyento ay sumunod po sila [sa polisiya],” dagdag pa nito.

Payo pa ni Clemente sa mga bibisita sa isla na tamasahin at alagaan ang kagandahan ng buong isla tulad nang magsimula pa ito at wala pang mga malalaking establisimiyento sa lugar na dahilan ng pagkasira sa karagatan sa isla dahil sa kapabayaan.

Hinimok ng TCP ang Department of Tourism na magtulungan sa pagdiskubre ng mga magagandang lugar sa bansa na paunlarin at maaring destinasyon ng mga turista na makatutulong din sa paglago ng Ekonomiya ng Pilipinas.

Batay sa tala ng DOT halos umaabot sa 8 milyon ang tourist arrivals sa kasalukuyan at patuloy itong madadagdagan bago matapos ang 2018.

Umaasa naman ang Simbahang Katolika sa Boracay na tatalima ang mamamayan sa panawagang panatilihing malinis ang buong isla.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 27,669 total reads

 27,669 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 254,720 total reads

 254,720 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 148,187 total reads

 148,187 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 242,217 total reads

 242,217 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 285,155 total reads

 285,155 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top