Pagtatanggol ng mga opisyal sa kamalian ng Pangulong Duterte, pagpapakita ng pagkaganid sa puwesto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 357 total views

Ang tuwirang pagtatakip at pagtatanggol ng mga opisyal ng Administrasyong Duterte sa mga kontrobersyal na pahayag ng Pangulo ay nagpapakita sa personal na interest sa kanilang posisyon.

Ito ang inihayag ni Promotion of Church Peoples Response (PCPR) Spokesperson Nardy Sabino kaugnay sa pagtatanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque at iba pang opisyal ng Administrasyon sa mga kontrobersyal na pahayag ng Pangulo.

Ipinaliwanag ni Sabino na ang pagtatanggol o pagpapalusot ng mga opisyal sa mga naging pahayag o ginawa ni Pangulong Duterte ay maituturing na senyales ng pagkaganid sa posisyon.

“Iyon ang tawag dun mga ‘palusot’, palusot na habang umaamin na nga ang Pangulo, habang nagsasalita na siya ng ginawa niya itong kanyang mga tagapag-salita dahil sa kanyang interes na manatili sa kapangyarihan ay natatakot sila. Kapag natanggal ang Pangulo, matatanggal din sila sa pwesto, so silang mga nagpapalusot ay gagawin ang lahat para lamang pagtakpan yung Presidente.” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, kapwa ipinagtanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque at Chief Presidential Counsel Salvador Panelo si Pangulong Duterte mula sa naging pahayag nito sa kanyang kasalanan kaugnay sa Extra Judicial Killings.

Habang magkakaiba rin ang naging pahayag ni Roque, Special Assistant to the President Bong Go at ng mismong Pangulo kaugnay sa kanyang muling pagpapa-ospital sa Cardinal Santos Medical Center kamakailan lamang.

Iginiit ni Sabino na dapat maging matapat ang mga opisyal ng bayan kaugnay sa tunay na kalagayan ng lipunan at hindi ikubli ang anumang impormasyon para sa kaalaman ng mamamayan na nagtiwala at naghalal sa kanila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 16,152 total views

 16,152 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 38,157 total views

 38,157 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 62,499 total views

 62,499 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 86,427 total views

 86,427 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 121,018 total views

 121,018 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top