Second collection para sa Palu, Indonesia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 529 total reads

Nagpaabot ng panalangin at pakikiisa ang Archdiocese of Manila sa mga nasalanta ng 7.5-magnitude na lindol na nagdulot ng 20-talampakang tsunami sa Palu, Sulawesi, Indonesia.

Bilang pakikibahagi, hinikayat ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Pangulo ng Caritas Internationalis ang lahat ng mga parokya, simbahan at dambana sa buong arkidiyosesis na magsagawa ng second collection upang makalikom ng pondo na maaring makatulong sa mga nabiktima ng trahedya.

Batay sa Circular Letter na nilagdaan ni Archdiocese of Manila Chancellor Rev. Fr. Reginald R. Malicdem, sa pamamagitan ng atas ni Cardinal Tagle ay nakatakda ang pagsasagawa ng second collection sa Sabado ng gabi, ika-6 ng Oktubre hanggang Linggo ika-7 ng Oktubre.

Ang hakbang base sa Circular ay bahagi ng apela ni Cardinal Tagle sa buong Simbahan ng arkidiyosesis na ibahagi ang habag, awa at pagmamahal ng Diyos sa mga naapektuhan ng trahedya sa Indonesia.

“As a gesture of Christian love, our Archbishop, Cardinal Luis Antonio G. Tagle, is requesting that a second collection be taken up at all Sunday Masses, from evening of Saturday, October 6, and whole day of Sunday, October 7.” bahagi ng Circular Letter

Kalakip din nito ang tagubilin na maipadala ang lahat ng mga malilikom na pondo sa Treasury and Accounting Department ng Arzobispado de Manila bago ang ika-12 ng Oktubre.

Naunang nagpaabot ng panalangin at pakikiisa ang Kanyang Kabanalan Francisco para sa lahat ng mga biktima ng trahedya sa Indonesia at nanawagan sa mga mananampalataya na mag-alay ng panalangin o anumang tulong para sa mga biktima at rehabilitasyon ng buong kumunidad.

Batay sa pinakahuling tala, umaabot na sa mahigit 4,124 ang bilang ng mga nasawi sa lindol at tsunami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 26,589 total reads

 26,589 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 253,717 total reads

 253,717 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 147,184 total reads

 147,184 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 241,214 total reads

 241,214 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 284,212 total reads

 284,212 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top