Mga pagpapatotoo ng mga Deboto ni Santo Padre Pio sa pagbisita ng ‘Incorrupt Heart’ sa Manila Cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total views

Puno ng kasiyahan ang mga mananampalataya at deboto ni Santo Padre Pio nang masilayan ang hindi naaagnas na puso ng Santo.

Ibinahagi ng ilang deboto ang mga karanasan ng kanilang buhay na natulungan sa pamamagitan ni Padre Pio sa pananalangin sa ating Panginoon.

Karamihan sa mga debotong pumila ay may karamdaman, na sa tulong ng mga panalangin ng Santo ay pinagaling ng Panginoon.

Pagsasalawaran ng iba, si Padre Pio ay nilikha ng Diyos sa kabanalan at naging mabuting halimbawa ng bawat mananampalataya na mapalalim pa ang pananalig sa Diyos.

Milagros Po, Cancer Survivor
“Lalong tumibay ang paniniwala ko sa Diyos dahil kay Padre Pio. I have so much faith in God dahil naka-survive ako sa cancer, 23 years na akong survivor ng cancer. It really makes me feel so good nung makita ko ang puso ni Padre Pio.”

Edith Lat, Cancer Survivor
“I feel so blessed, I’m a cancer survivor. I can feel him (Padre Pio) na prayer works. I thank him for the prayers because I know Padre Pio helps me to pray to God.”

Nemesia Fernando,Bulacan
“Napakabanal ni Padre Pio, sisikapin kung sundan yung kaniyang pamumuhay bilang kabanalan. Si Padre Pio ay ginawa ng Diyos bilang modelo, isang paraan para mapalalim ang pananampalataya ng mga tao. Sa tulong ng mga panalangin ni Padre Pio, granted ang prayer ko sa Panginoon.”

Yolanda Cabillan,Bulacan
“I always ask Padre Pio to pray for me to Jesus na tulungan ako sa aking pag-iisa at mapagaling ang aking mga sakit. I feel the Holy Spirit nung mahawakan at makita ko ang relic ni Padre Pio.”

Ayon sa pamunuan ng Manila Cathedral batay na rin sa Intramuros Administration na tinatayang mahigit 100,000 mga deboto ang dumalaw sa ‘incorrupt heart’ ni Padre Pio sa dawalang araw na public veneration na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral sa Intramuros Manila.

Pinaalalahanan din ng Simbahang Katolika ang mananampalataya na ang mga Santo ay magsisilbing paalala sa bawat isa sa masidhing pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga sakripisyo at gawain noong nabubuhay ito sa mundo.

Simula October 11- 13 mananatili ang relikya sa Cebu Metropolitan Cathedral at magtutungo rin sa Davao Cathedral simula October 14-16.

October 17, dadalhin ito sa Lipa Cathedral at babalik sa Padre Pio Shrine sa October 18-26 kung saan isasagawa ang ‘send off mass’ para naman sa pag-uwi ng relikya sa Italya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 40,179 total views

 40,179 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 114,793 total views

 114,793 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 194,872 total views

 194,872 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 238,011 total views

 238,011 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 236,690 total views

 236,690 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top