Caritas Manila, biyaya ng Panginoon sa maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 587 total reads

Itinuturing na biyaya ng Panginoon ang Caritas Manila.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas kaugnay sa pagdiriwang ng ika – 65 anibersaryo ng social action arm ng Archdiocese of Manila.

Paliwanag ng Pari, malaki ang ginagampanan ng organisasyon sa lipunan sa pagtugon sa mga nangangailangan.

“Ang misyon ng Caritas Manila, ay tunay na pagmalasakit sa mga mahihirap, mga maysakit, mga bilanggo, at mga pinabayaan sa lipunan kaya’t ang 65 years na paglilingkod na ito ay grasya ng Diyos na ginamit niya ang Organisasyon (Caritas Manila) upang makatulong sa ating mga kababayan.” pahayag ni Fr. Pascual.

Sa panahon ng mga sakuna at kalamidad nangunguna ang Caritas Manila sa pagtugon sa mga nasasalanta at biktimang mamamayan sa pagbibigay tulong pisikal, pinansyal at ispiritwal.

Batay sa ensiklikal ni Saint Pope Paul VI na Populorum Progressio na ang paglaban sa kahirapan ay hindi lamang pagsusulong sa pagkatao ng isang indibidwal kundi mas pinalalakas at pinatatatag din ng Simbahan ang ispiritwal at moral na buhay ng tao.

Dahil dito tiniyak ng Caritas Manila ang patuloy na pagpapalago sa mga programang tulad ng Caritas Margins, Segunda Mana, Damayan Program, Restorative Justice at iba pa upang mas higit pang matulungan maiangat sa karukhaan ang mamamayan.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority noong 2015 mahaigit 26 na milyong Filipino ang naghihirap at kalahati dito ay nakararanas ng labis na karukhaan sa buhay.

Itinatag ang Caritas Manila noong ika – 1 ng Oktubre 1953 sa pangunguna ni Cardinal Rufino Santos ang Arsobispo noon ng Archdiocese of Manila na layuning abutin ang mga mahihirap.

Samantala nasasaad din sa Populorum Progressio na itinuturing na Apostol at tagapagtaguyod ng tunay na pag-unlad ang mga indibidwal na tumutugon sa panawagan ng mga maliliit na sektor ng lipunan at walang pag-alinlangan pagkalinga sa bawat nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 79,390 total reads

 79,390 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,979 total reads

 126,979 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 174,850 total reads

 174,850 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 278,798 total reads

 278,798 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 361,214 total reads

 361,214 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top