Pamahalaan hinimok ng Simbahan na tugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa pagkain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 539 total reads

Ipinapanawagan ng Simbahan sa mga namumuno sa pamahalaan na pangunahan ang pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain.

Batay sa Apostolic Letter ni Saint John Paul II na Novo Millennio Ineunte, nahaharap sa mga pagsubok ang bawat mamamayan sa kasalukuyang panahon tulad ng pagkakasalungat sa pang-ekonomiyang pananaw, kultura at iba pang saklaw ng pag-unlad na dahilan upang magdusa ang ilang mamamayan sa kahirapan.

Kaugnay dito, kasabay ng pagdiriwang ng United Nations Food and Agriculture Organization sa ika – 73 World Food Day, maglunsad ng pagkilos ang grupo ng mga magsasaka na Amihan, Bantay Bigas at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas upang ipakita sa kasalulukuyang administrasyon ang pagtutol sa mga polisiyang pang-agrikultura na ipinatutupad.

Kinundena ng grupo ang neoliberal na mga polisiya ng pamahalaan tulad ng pag-aangkat ng maraming produktong pang-agrikultura tulad ng bigas na lalong makasisira sa lokal na produksyon.

“Walang food security, kung ito ay iaasa lang sa kung ano ang ipapadala ng ibang bansa sa atin,” bahagi ng pahayag ni Zenaida Soriano, ng Amihan.

Nanindigan itong nararapat palakasin ng pamahalaan ang programang pang-agraryo, pamamahagi ng mga lupang sakahan at pagpapaunlad sa sektor ng pagsasaka upang mapalakas ang lokal na produksyon at maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong ibinebenta sa mga pamilihan.

Batay sa isinagawang survey ng Social Weather Station umabot sa 3.1 milyong mga pamilya ang nagugutom mula Hunyo hanggang Setyembre dahil sa labis na pagtaas ng presyo ng pagkain tulad ng bigas.

Panawagan ng grupo sa mamamayan na magkaisang tutulan ang mga maling polisiya na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil labis na naghihirap ang mga Filipino.

Sa panayam noon kay Batanes Bishop Danilo Ulep, hinimok nito ang bawat mamamayan na huwag umasa sa mga produktong nagmumula sa ibang mga lugar kundi nararapat pag-ibayuhin ang produksyon ng pagkain na matatagpuan lamang sa komunidad na kinabibilangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 87,187 total reads

 87,187 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 134,226 total reads

 134,226 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 182,097 total reads

 182,097 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 286,045 total reads

 286,045 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 368,218 total reads

 368,218 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top