CBCP, umaapela sa pamahalaan na tulungan ang mga OFW sa Saudi Arabia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 680 total reads

Umaapela ang isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia na tugunan ang pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers na nawalan ng hanapbuhay.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, mahalagang mabigyan ng kagyat na tulong ang mga OFW na nawalan ng trabaho sa nasabing bansa.

“Our appeal to the Philippine embassy officials will exhaust all means that our OFWs in KSA will be compensated and justice be given to them.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang apela ng Obispo ay hinggil sa sitwasyon ng mahigit 1, 400 OFWs sa Saudi Arabia na nawalan ng trabaho matapos mag-lockout ang kompanyang pinapasukan sa Al Khobar.

Panalangin ni Bishop Santos na makamit ang katarungan at maibigay ang sahod ng mga OFW na hindi pinasahod ng Azmeel Contracting Corporation ng halos limang buwan.

Batay sa ulat na natanggap ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), hindi isinama ng kompanya ang mga OFW sa paglipat ng lugar ng pinagtatrabahuan matapos ipasara ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kanilang ari-arian sa Al Khobar.

Bukod dito nagpasalamat naman si Bishop Santos sa mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas sa hakbang na pagpapauwi sa mga apektadong OFW para na rin sa kanilang kapakanan at kaligtasan.

“We also express our gratitude for help and assistance given to them especially with the repatriation.” dagdag ng Obispo.

Sa panig ng Simbahang Katolika, patuloy itong tumutugon sa mga OFW sa pamamagitan ng pagbibigay scholarship program sa mga anak ng OFW, pagsusulong sa maayos na pagtatrabahuan at iba pang tulong sa iba’t ibang Diocesan desk ministries.

Sa mensahe ni Saint John Paul II sa pagdiriwang ng World Migrants Day noong 1997, binigyan diin ng Santo ang kahalagahan ng pagbibigay ng tulong sa mga Migrante tulad ng mga OFW lalo na sa mga nakararanas ng kawalang katarungan at karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 8,275 total reads

 8,275 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 228,893 total reads

 228,893 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 263,566 total reads

 263,566 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 279,466 total reads

 279,466 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 315,365 total reads

 315,365 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top