Obispo, hinimok ang pamahalaan na masusing pag-aralan ang TRAIN law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 539 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang Pamahalaan na masusing pag-aralan ang epekto sa mamamayan ng ipinatupad na reporma ng pagbubuwis.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity, dapat suriin ng Pamahalaan ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law 1 kung ano ang idinulot nito sa mamamayan partikular na sa mga mahihirap na sektor.

“Panawagan natin bago pumunta sa TRAIN 2, tingnan muna natin ang epekto ng TRAIN 1 lalo na sa mga mahihirap.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ang panawagan ng Obispo ay sa kabila ng pagsuspende ng Pamahalaan sa pagpapataw ng buwis sa mga produktong langis sa pagpapatupad ng TRAIN Law 2 sa susunod na taon.

Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat itama ng kasalukuyang Administrasyon ang mga maling epekto ng TRAN Law 1 tulad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa na labis nagpapahirap sa mamamayan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang dapat hangarin ng Pamahalaan ang ikabubuti ng sambayanan lalo sa mga dukha na kulang sa kakayahang pinansyal upang tustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.

Bagamat nanindigan ang pamahalaan na ang pagtaas ng presyo ng langis ay dulot ng pabago-bagong presyo nito sa pandaigdigang pamilihan, iginiit naman ng iba’t ibang sektor sa bansa na nakadadagdag ang ipinataw na buwis sa petrolyo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng bigas na pangunahing pagkain ng mga Filipino.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority 12 milyong pamilya ang aminadong naghihirap ito o katumbas ng halos 60 milyong indibidwal.

Una nang tinutulan ng mga lider ng Simbahan ang reporma sa pagbubuwis ng pamahalaan sapagkat malaki ang magiging epekto nito sa mahihirap na mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 56,207 total reads

 56,207 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 105,402 total reads

 105,402 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 153,275 total reads

 153,275 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 257,222 total reads

 257,222 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 340,481 total reads

 340,481 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top