Misa sa mga nasawi sa war on drugs, isinagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 625 total reads

Mag-aalay ng banal na misa at panalangin para sa mga nasawi sa war on drugs ng Pamahalaan, ang mga grupong Pro-Democracy o ProDem, at Kapatiran at Alyansang Alay sa Kaunlaran ng Bayan mula sa Quezon o KAAKBAY-Quezon.

Sinabi ni Father Warren Puno, Spokesperson ng grupo na layon nitong ipagdasal ang kaluluwa ng mga taong namatay sa giyera kontra droga ng Administrasyon lalo na ang mga inosenteng nadamay lamang at itinuturing na Collateral damages.

Naniniwala ang grupo na ang war on drugs ay isang huwad na labang isinusulong ng pamahalaan dahil tanging mga mahihirap lamang ang namamatay dito habang ang mayayaman na silang tunay na may sala ay malaya at hindi napapanagot sa batas.

Dagdag pa ni Father Puno, bukod sa pananalangin sa kaluluwa at katarungan para sa mga nasawi ay marapat ding ipagdasal ang unti-unting pagpatay ng pamahalaan sa Demokrasya ng bansa.

Aniya, nawawala ang tunay na halaga ng buhay ng mamamayan dahil sa dahan-dahang paniniil ng pamahalaan sa kalayaan at Demokrasya ng bayan.

“Napapanahong ipanalangin natin ang mga kaluluwang humihingi ng katarungan laban sa mapagkunwaring Administrasyong Duterte dahil ang tunay na mukha ng kanilang gawain pala ay hindi lang ang pakunwaring laban sa droga dahil sa ating nakita sa nakalipas na 2 taon ito ay Gyera din laban sa buhay at Demokrasya, dahil walang halaga ang buhay kung walang tunay na Kalayaan at Demokrasya.” pahayag ni Father Puno sa Radyo Veritas.

Kaugnay nitoo, inanyayahan din ng ProDem at KAAKBAY-Quezon ang mga mananampalataya sa iba’t-ibang panig ng bansa na mag-alay pa rin ng panalangin para sa lahat ng mga nasawi.

Ang Banal na misa at panalangin sa mga biktima ng war on drugs ay isinagawa noong ika-31 ng Oktubre ganap na 10:00AM sa National Shrine of Our Lady of Sorrows, Dolores, Quezon, sa pangunguna ni Father Puno.

Batay sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency sa #RealNumbers data ng Pamahalaan, noon lamang buwan ng Agosto ay umabot sa 444 na drug suspects ang nasawi sa anti-illegal drug operation ng mga pulis sa buong bansa na katumbas ng 14 na indibidwal kada araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 50,407 total reads

 50,407 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 136,907 total reads

 136,907 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 179,944 total reads

 179,944 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 229,703 total reads

 229,703 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 388,613 total reads

 388,613 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,127 total reads

 23,127 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,774 total reads

 52,774 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,618 total reads

 45,618 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top