Lahat ng tao ay tinatawagan na maging banal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 465 total views

Ito ang paalala ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mananampalataya kasabay ng paggunita ng Araw ng mga Santo sa Unang Araw ng Nobyembre.

“Gipasidunggan nato karon ang mga Santos diha sa Simbahan ug sa atong pagpasidungog kita usab gipahinumduman nga matag usa nato gitawag ta nga mahimong balaan, mahimong santos dinhi sa Kalibutan. [Pinararangalan natin ngayon ang mga Santo ng Simbahang Katolika at kasabay nito tayo ay pinaalalahanan na bawat isa sa atin tinawag upang maging Banal dito sa sanlibutan.]” bahagi ng pagninilay ni Bishop Uy.

Ayon sa Obispo, ang pagiging Santo ay hindi nangangahulugan ng kawalang kasalanan sapagkat ang mga Santo ay may nagawang pagkakasala at pagkukulang habang sila ay nabubuhay subalit nagsusumikap na mamuhay na nakasusunod sa kautusan ng Panginoon.

Paliwanag ni Bishop Uy dapat maging huwaran ang mga Santo sa pagsusumikap na maging Banal kaya’t hindi nararapat mawalan ng pag-asa ang bawat isa na magpakabanal sa kabila ng mga pagkukulang.

Binigyang diin ng Obispo na sa kabila ng pagiging makasanlibutan ng tao binigyan ng Panginoon ang bawat isa nang kalakasan na makagagawa ng mabuti sa pamamagitan ng sakramento ng binyag.

“Diha sa Sakramento sa bunyag nga atong nadawat, nadawat usab nato ang grasya gikan sa Ginoo nga mao ang pagka-Santos o sanctifying grace. [Sa tinanggap nating Sakramento ng Binyag ay tinanggap din natin ang biyaya ng pagiging Banal o ang Sanctifying Grace.]” ayon pa sa Obispo.

Sa tala ng Simbahan mahigit sampung libo ang naitalagang Santo mula noong taong 993 kabilang ang dalawang Filipino na sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod na kapwa mga martir ng Simbahan dahil sa pagtatanggol sa pananampalatayang Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 36,183 total views

 36,183 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 110,797 total views

 110,797 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 190,876 total views

 190,876 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 234,015 total views

 234,015 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 232,935 total views

 232,935 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top