Deportation ni Sr. Fox, isang pag-uusig laban sa mga Misyonero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 601 total reads

Pag-uusig laban sa mga lingkod ng Simbahan na nagsasalita laban sa mga maling polisiya ng pamahalaan.

Ito ang paniniwala ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa pagpapaalis kay Sister Patricia Fox, NDS sa Pilipinas matapos bigong i-renew ang Missionary Visa ng misyonerong madre ng Bureau of Immigration.

“Bahagi na po ito ng biased against the Church at biased din laban sa mga taong perceived kumokontra sa patakaran ng Administrasyon.” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na ang pag-alis ng madre ay hindi dahil sa hinaharap na deportation case kundi napaso na ang Missionary Visa ni Sr. Fox noong ika – 5 ng Setyembre.

Mensahe ni Bishop Pabillo kay Sr. Fox na tatagan ang loob at ipagpatuloy ang paglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pagkalinga sa kapwa na nagngangailangan dahil ginagabayan ito ng Panginoon.

“Palakasin niya loob niya [Sr. Fox] hindi ito ang katapusan ng kuwento alam naman natin na ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa atin kaya may mga surprise pa Siyang gagawin just keep on and be courageous,” dagdag ng Obispo.

Bukod dito ay hinimok din ni Bishop Pabillo ang mananampalataya na makiisa sa pagpapatatag ng kalooban sa 71-taong gulang na madre na nagmisyon sa Pilipinas ng halos tatlong dekada.

Ika-16 ng Abril ng imbitahan ang madre sa tanggapan ng Bureau of Immigration kasunod ng mga ulat ng intelligence network na nakikisangkot si Sr. Fox sa mga pagkilos laban sa pamahalaan matapos makiisa sa mga katutubong inaapi, manggagawa, magsasaka at mga walang boses sa lipunan.

Sa kabila nito ay nanindigan ang misyonerong madre na ang kaniyang pagtulong sa mga maliliit na sektor ng lipunan ay bahagi ng kaniyang pagmimisyon at paglilingkod sa Sambayanan ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 72,652 total reads

 72,652 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 120,592 total reads

 120,592 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 168,463 total reads

 168,463 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 272,410 total reads

 272,410 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 355,102 total reads

 355,102 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top