Caritas YSLEP, tugon sa pagkamit ng tagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 486 total views

Nagpahayag ng labis na pasasalamat sa mga donors ng Caritas Manila ang mga benepisyaryo at nakapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng Youth Servant Leadership Program (YSLEP).

Dahil na rin sa kahalagahan ng bawat bagay na ibinibigay ng mga taong nagmamalasakit upang matulungang maabot ang pangarap ng mga kabataang walang kakayahang pinansyal pantustos sa kanilang pag-aaral.

Sa pamamagitan ng mga donasyon na ibinabahagi ng mga mananampalataya ay katumbas nito ang tagumpay ng isang indibidwal at maaring maging daan makaahon ito sa karukhaan.

Raniel Policarpio
4th Year College

“Thank you so much for your ever loving support and thank you for not doubting to give every single peso you have to Caritas kasi it helps so much doon sa mga taong nangangailangan especially to us, we need help in order for us to finish our studies. We appreciate every single peso you give.”

Cora Hazel Casingal
4th Year College

“Maraming salamat po from the bottom of our hearts. Hindi po ninyo alam kung gaano niyo po kami sobrang natutulungan sa lahat ng bagay sa pag-aaral po namin especially financially. Maraming salamat sa walang sawang pagtulong sa samin para maabot ang aming mga pangarap.”

Marco Apolinario
1st year College

“Maraming salamat po dahil isa ako sa naging scholar ng Caritas at maraming salamat sa mga sponsors na walang sawang tumulong para sa aming pag-aaral.”

Sa pahayag ni Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas, tiniyak nito ang patuloy na pagtulong sa mga mananampalataya lalo na sa mga kabataan na makapagtapos sa pag-aaral sa kolehiyo at sa Tech-Voc.

Higit sa 5, 000 ang mga estudyanteng tinutulungan ng Caritas Manila-YSLEP sa buong Pilipinas na binubuo ng iba’t ibang pananampalataya maging mga Muslim at mga katutubong hindi naaabot ng tulong ng ilang institusyon ng pamahalaan.

Nais din ng Caritas Manila na palawakin ang scholarship program upang mas maraming mga kabataan ang makapagtapos kung saan nitong 2018 ay mahigit sa 1, 000 scholar ng YSLEP ang nakapagtapos at karamihan dito ay nagmula sa Kanlurang Kabisayaan na nabiktima ng bagyong Yolanda kabilang na sa Tacloban.

Tiniyak naman ng mga scholar ang pagtulong sa iba pang mga kabataan kapag nagtapos na ito sa pag-aaral bilang balik handog sa mga biyayang naitulong ng kapwa sa kanila.

Sa ensiklikal ni Pope Pius XI na Divini Illius Magistri o On Christian Education mahalagang mabigyan ng karampatang edukasyon ang bawat kabataan partikular sa mga katuruan ng Simbahan upang matulungang mahubog ang pagkatao at maging ganap na bahagi ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 35,080 total views

 35,080 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 109,694 total views

 109,694 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 189,773 total views

 189,773 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 232,912 total views

 232,912 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 231,893 total views

 231,893 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top