Cardinal Tagle, pinangunahan ang conference on mental illness

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 427 total reads

Mahalagang alamin ng isang indibidwal ang pinagdadaanan ng kapwa upang matulungang lutasin ang mga suliraning kinakaharap.

Ito ang inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang talumpati sa pagbukas ng Conference on Mental Health na ginanap sa San Carlos Seminary Makati City.

Ayon sa Cardinal, mahalagang mauunawaan ng bawat isa ang iba’t ibang karanasan ng kapwa na nakararanas ng suliraning pangkaisipan tulad ng depresyon.

“Going to the experience of the one who suffers mental illness for us to understand,” bahagi ng talumpati ni Cardinal Tagle.

Iginiit ng Kaniyang Kabunyian ang kahalagahan na mahubog ang ispirituwalidad na pamumuhay ng isang tao upang mapalapit sa Panginoon at mapalawak ang pag-iisip at pag-uunawa ng tao sa bawat sitwasyon ng buhay.

Labis na ikinabahala ng Simbahan sa Pilipinas ang tumataas na kaso ng pagpapakamatay dahil sa mental illness na batay sa ulat ng Department of Health isa sa bawat limang Filipino ang nakararanas dito at nangunguna sa mga sanhi ng depresyon, schizophrenia, at labis na pagkabalisa.

Dahil dito, hamon ni Cardinal Tagle sa mga dumalo kung paano makatutugon ang Kristiyanong komunidad sa usapin ng mental illness at kung gaano kalawak ang pagkaunawa ng mga mananampalataya dito.

Layunin ng Conference on Mental Health na may temang “Ang Tahanang Gumuho sa Karimlan: Ang Pag-ukit ng Panibagong Tahanang Pinapangarap” na mapalakas ang pagtugon ng Simbahang Katolika sa suliranin ng mental health lalo na sa mga kabataan at makapagbalangkas ng mga wastong programang kakalinga sa mga mananampalatayang nakararanas ng mental illness lalo na ang mga naulilang biktima ng war against drugs ng pamahalaan.

Ika 21 ng Hunyo ng kasalukuyang taon ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte Mental Health Law kung saan napapaloob dito ang abot kayang halaga ng mental health services sa bawat Filipino.

Ang Mental Health coference na isinagawa dito sa San Carlos Seminary Makati City ay inorganisa ng Office of the Promotion of the New Evangelization ng Arkidiyosesis ng Maynila katuwang Quiapo Church at ilang grupo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 10,041 total reads

 10,041 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 230,659 total reads

 230,659 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 265,332 total reads

 265,332 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 281,232 total reads

 281,232 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 317,011 total reads

 317,011 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top