Pagpapakumbaba at pagiging masunurin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 615 total reads

Ito ang mga natatanging katangiang taglay ni Venerable Bishop Alfredo Maria Obviar na naging susi upang ideklara itong venerable ni Pope Francis na unang hakbang bago maging ganap na Santo ang isang tao.

Ayon kay Mother Rene Rarela, ng Missionary Catechists of St. Therese of the Infant Jesus, ang tumatayong postulator para sa pagiging Santo ni Bishop Obviar, hinahangaan ng tao ang pagiging mapagpakumbaba ng namayapang Obispo at ang pagkilala sa mga lider ng Simbahang Katolika.

“Ang outstanding virtues niya [Bishop Obviar] ang kaniyang humility and then yung kaniyang obedience particularly sa mga namumuno sa Simbahan,” pahayag ni Mother Rarela sa Radio Veritas.

Kasalukuyang nasa proseso ang mga kinakailangan upang maideklara naman itong Beato ang ikalawang antas bago tuluyang makasama sa hanay ng mga Banal si Bishop Obviar kabilang na dito ang paghahanap ng milagro.

“As of now kinakailangan ang isang authentic miracle yung miracle which is unexplainable by Science,” dagdag ng Madre.

Sinabi ng Madre na 5 himala ang kasalukuyang pinag-aaralan ngayon ng isang doktor ng medisina upang matiyak na ito ay himalang napapagaling sa tulong ng mga panalangin ni Bishop Obviar.

Ipinaliwanag ni Mother Rarela na matapos ang pag-aaral dito sa Pilipinas ay isusumite na ito sa Congregation for the Causes of Saints sa Vatican para sa masusing imbestigasyon ng mga eksperto sa larangan ng medisina at mga eksperto ng Simbahan.

Inihayag ng Madre na kailangang maipaliwanag yung medical science bago madeklarang authentic yung miracle.

Umaasa ang madre na sa pagiging Venerable ni Bishop Obviar ay matutuhan din ng mga mananampalataya ang buhay kabanalan ng Obispo lalo na sa mga naglilingkod sa Sambayanan ng Panginoon.

Pinaiigting din ng mga madre ng Missionary Catechists of St. Therese of the Infant Jesus, ang kongregasyong itinatag ni Bishop Obviar noong 1958 ang pagsasagawa ng mga symposium upang higit pang makilala ng mga mananampalataya si Bishop Obviar.

Dahil dito inaanyahan ni Mother Rarela sa isang symposium na gaganapin sa ika – 20 ng Nobyembre sa Tayabas Quezon mula ika – 7 ng umaga hanggang ika – 5 ng hapon at maaaring makipag-ugnayan sa telepono bilang (042) 793-3699 o 09173540483.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 15,326 total reads

 15,326 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 15,453 total reads

 15,453 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 27,982 total reads

 27,982 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 84,388 total reads

 84,388 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 207,889 total reads

 207,889 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 291,898 total reads

 291,898 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top