Dulang “Panaghoy ng mga Dukha”, itatanghal sa UST

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 422 total reads

Hinimok ng Kaniyang Kabanalan Francisco ang mga mananampalataya na magnilay at dinggin ang panaghoy ng mga mahihirap sa lipunan.

Ipinaliwanag ni Pope Francis na kinakailangan ang katahimikan sa sarili upang mas higit pang madinig at mauunawaan ang hinaing ng mga mahihirap at buong pusong matugunan ang kanilang pangangailangan.

“We are called to make a serious examination of conscience, to see if we are truly capable of hearing the cry of the poor,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Nangangamba ang Pinunong Pastol ng Simbahang Katolika na bagamat may inisyatibong pagtugon na ginagawa ang mga mananampalataya ito ay para lamang sa pansariling interes subalit bigong tugunan ang tunay na pangangailangan ng mga dukha.

Binigyang diin ni Pope Francis na pinakikinggan ng Panginoon ang hinaing ng bawat isa lalo na ang mga humaharap sa mga pagsubok sa buhay, nakararanas ng karahasan at kawalang katarungan sa lipunan.

“The Lord listens to the poor who cry out to him; he is good to those who seek refuge in him, whose hearts are broken by sadness, loneliness and exclusion. The Lord listens to those who, trampled in their dignity, still find the strength to look up to him for light and comfort. He listens to those persecuted in the name of a false justice, oppressed by policies unworthy of the name, and terrified by violence, yet know that God is their Saviour.” pahayag ng Santo Papa

Ang panawagan ng Santo Papa ay kaugnay sa nalalapit na paggunita sa Pandaigdigang Araw ng mga Dukha sa ika – 18 ng Nobyembre kung saan tema ngayong taon ang “Let us Hear the Cry of the Poor” bilang pakikiisa sa gawain ni Hesus na kumalinga at nagpapahayag ng pagmamahal sa mga dukha.

Dahil dito, magtatanghal ang Arkidiyosesis ng Maynila ng dulang pinamagatang “Panaghoy ng mga Dukha” sa pangunguna ng mga kabataan ng Most Holy Trinity Parish sa Sampaloc Manila katuwang ang Tanghalang Balic-balic kung saan ipapakita dito ang gawain ng Simbahan na kumakalinga sa mga mahihirap na komunidad.

Gagawin ang pagtatanghal bukas ika – 17 ng Nobyembre sa UST Central Seminary Gymnasium mula ikawalo ng umaga hanggang ikatlo ng hapon.

Read: Second World Day of the Poor

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 7,365 total reads

 7,365 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 227,983 total reads

 227,983 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 262,656 total reads

 262,656 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 278,556 total reads

 278,556 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 314,518 total reads

 314,518 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top