Caritas Alumni scholars, nakiisa sa ‘Clean Up drive sa Manila Bay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total views

Inihayag ng grupo ng mga iskolar ng Caritas Manila ang kahalagahan sa pagpanatiling malinis sa kapaligiran lalo na sa karagatan.

Ayon kay Manuel Tan, Pangulo ng Caritas Manila Alumni Scholars Asscociation (CAMASA) ito ang kanilang hangarin sa pakikilahok sa isinagawang clean up drive sa Manila Bay.

“Napakahalaga nitong proyekto na’ to dahil kailangan nating pangalagaan ang ating environment lalo na ngayon na napakalaki na ng mga nagiging disaster,” bahagi ng pahayag ni Tan sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Tan na bagamat ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumali ang CAMASA sa coastal clean up, tiniyak nitong magpapatuloy ang kanilang pakiisa sa Philippine Coast Guard para sa programa.

Giit ni Tan, nararapat lamang na paigtingin ang mga ganitong uri ng gawain upang makaiwas ang bansa sa mas masamang epektong dulot kalamidad lalu na ang maruming kapaligiran at puno ng basurang karagatan.

“Magiging yearly basis na, magiging advocacy natin to at sa tuwing anniversary mg CAMASA ay gaganapin natin ang clean up hindi lang dito sa Metro Manila kundi sa buong kapuluan,” dagdag ni Tan.

Ang CAMASA ay grupo ng mga nagsipagtapos na iskolar ng Caritas Manila mula pa sa dating Educational Assistance Program ng Arkidiyosesis ng Maynila at kasalukuyang tinatawag na Youth Servant Leadership Program na may 5, 000 iskolar na sa buong bansa.

Bukod sa CAMASA at Philippine Coast Guard Auxiliary, nakiisa rin ang Landbank, Maynilad, Polytechnic University of the Philippines, La Salle at iba pang mga unibersidad at mga establisimiyento sa Metro Manila.

Ito rin ay pagtugon sa tawag ng kalikasan na lubhang nanganganib dahil sa kasakiman, kapabayaan at kawalang paggalang ng tao sa sanlibutang nilikha ng Panginoon at nagsilbing tahanan ng bawat nilikha.

Sa tala ng Department of Public Services ng lunsod ng Maynila higit sa 2000 tonelada ng basura ang nahahakot sa buong lunsod o katumbas sa 500 trak ng basura araw-araw.

Una nang binigyang diin sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si ang panawagang gumawa ng hakbang upang mapanatiling malinis ang kapaligiran at mapigilan ang pagkasira nito kung saan nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 28,913 total views

 28,913 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,527 total views

 103,527 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,606 total views

 183,606 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,745 total views

 226,745 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,094 total views

 226,094 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top